ONE NIGHT 8: Unreasonable Anger

14.6K 267 4
                                    

Heather Stewart.

Ilang araw na rin ang nakakalipas matapos ang insidenteng iyon. Luckily, nakapagpigil kahit papaano si Sophie ng galit nya. Well, hindi sya totally nakapagpigil ng galit dahil nagsisisigaw si Louis kinabukasan ng araw na iyon ng makakita sya ng sobrang laking gagamba sa locker nya. May mga nagtanggal naman kaya nakasurvive naman sya. After nun, nanahimik ang lahat, isang bagay na sobra kong ipinagpapasalamat.

* KNOCK KNOCK KNOCK

Napatigil ang prof namin sa paglelecture ng may malakas na katok ang bumasag sa natutulog na naming diwa.

*KNOCK KNOCK KNOCK

Kulang nalang sirain na nya ang pinto ng room sa lakas ng katok nya.

"SAGLIT LANG! Makakatok naman..." sambit ng prof namin. "Napaka---Mr Temprosa, what are you---" di na natuloy ng prof namin ang pagsasalita dahil hindi naman sya pinansin ni Zar.

Nilibot nya ang mata nya. Para bang may hinahanap sya. Hanggang sa tumigil ang paningin nya sa direksyon ko na lubha ko namang kinagulat. Nagtagpo ang aming mga tingin at parang isang mabangis na leon, pumunta sya sa akin.

"T-teka---ano bang---teka!---" sabi ko habang nagpupumiglas sa mga hawak nya. Napakadiin at napakahigpit ng hawak nya sa wrist ko kaya napakasakit na ng mga ito. Hinihigit nya ako palabas ng classroom. Para bang papel lang ang hinihigit nya dahil wala talaga syang pakialam kung magkabunggo bunggo na ako sa mga silya at mesa dun.

"Mr. Temprosa! What are you---" at di ko na natuloy pang marinig ang sasabihin ng prof ko dahil tuluyan na akong nahigit ni Zar palabas.

Patuloy kaming naglakad, ah hindi, patuloy nya akong kinaladkad papunta sa kung saan. Naaamoy ko rin na amoy alak sya. Teka, uminom ba sya? Aba, alas-kwatro palang ng hapon uminom na sya?

Bigla ko na lang naramdaman ang sakit sa likod ko. Binalibag na naman pala nya ako sa pader kasabay ng pagbitaw nya sa wrist ko. Mahina lang naman iyon pero masakit parin. Pangalawa nya na ito ah! Masakit na talaga! Nandito na pala kami sa liblib na parte ng eskwelahan.

"Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kanya.

"Akin na ang cellphone mo..." mahina na tila pabulong nyang sabi...

"Huh?!" di ko maintindihang tanong sa kanya.

"Sabi ko, AKIN NA ANG CELLPHONE MO!" nagulat ako sa sigaw nya. Pero mas ikinagulat ko ang pangangapkap nya sakin.

"T-teka...teka lang...ano ba!..." sambit ko habang pilit nyang gustong makita ang bulsa ng palda ko. At grabe lang dahil hindi nya alintana na nakapalda ako. "Teka! ANO BA! Eto ibibigay ko na sayo!" sigaw ko sabay higit ng cellphone ko sa bulsa at abot sa kanya.

Oh shoot!!!

"Ay wait! Akin na muna---"

"Ano to??!" sabay pakita nya ng wallpaper ko. Ang wallpaper ko na half naked picture nya. *>______<*

"A-ah kasi..." nauutal ako. Hala! Sobrang nakakahiya!!!

O___________________O

*>___________________<*

T_____________________T

Tinakasan ata ako ng kaluluwa at buong pagkatao ko sa sunod nyang ginawa. Nagulat ako at kasing bilis ng kidlat na nangilid sa nga mata ko ang mga luhang di ko inaakala na maaaring lumabas sa sitwasyong ito. Nangatog din ang mga tuhod ko at lahat ata ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now