One Night 31: She is confused. Sorry.

9.7K 203 7
                                    

Heather Stewart.

Shit. Shit. Shit.

Hindi ako madalas magmura pero kahit sa isipan lang, pagbigyan na.

Ano ang susuotin ko? Dress? Jeans? Shirt o Blouse? Hindi ko alam!

Hindi ko masabing may pasok ako sa opisina ngayon. Eh pano ba naman kasi, si Zar mismo ang kliyenteng dapat ko imeet ngayon sa opisina. Pero dahil sa magkakilala naman daw kami, nirequest nya na more on personal nalang daw ang meeting namin.

Sinubukan kong tawagan si Sophie para papuntahin sya dito sa bahay. Kahit naman kasi pilya at makulit si Sophie, distraction din sya para sa kung saka sakaling mga conversation, kahit papaano, alam nya kung kelan nya dapat akong saluin. Pero…

“Kaya mo na yan si Lazarus Heath, balitaan mo nalang ako ah.” naiimagine ko parin kung pano syang malakas na tumawa ng ibaba nya ang telepono at kung papaanong kung ano anong bagay na ang iniisip nya ngayon. Si Sophie pa.

Sa kabilang banda, gagamitin ko naman sanang excuse si Evo. Syempre, kapag nandyan si Evo, edi may makulit na batang tanong ng tanong ng kung ano ano sa amin ni Zar, distraction din kumabaga. Pero, may pasok sya ngayon. Sinipag at maagang nagpahatid. Ang batang yon. Minsan, iniisip ko, tinuturuan ba yun ni Sophie ng mga kalokohan nya? At bakit parang kung kelan ko pa kailangan ang distractions nila eh wala sila.Talaga naman!

I decided to wear white blouse and jeans. Teka, nasa bahay nga lang ako di ba, dress nalang kaya? Nakakainis! Jeans and white blouse and that’s final!

Nagsuklay ako, naglagay ng konting make up, hanggang sa tumunog ang doorbell…naku po! This is it!

Maya maya pa, may kumatok sa pinto ko. Si Manang.

“Heather anak, nandyan na si Sir Zar.”

“Ah, pakisabi po bababa na ako.” agad kong sagot.

Breath in. Breath out. Breath in. Breath out.

Kaya mo to Heather. Act as if nothing happened. Kaya ko to!

Sana nga kaya ko to!

Agad kong kinuha ang mga dokumentong kakailanganin ko para sa meeting namin. Dapat talaga, mas ininsist ko na sa opisina nalang.

Kasingbagal ng parang pagong, unti unti kong inilakad ang mga paa ko pababa sa sala.

Matagal ako munang tumingin sa sahig bago ako tumingala at tumingin kay Zar. Nakatayo at Nakangiti na sya sa akin.

Ano ba Zar? Bakit parang ang gwapo mo tingnan sa isang simpleng jeans and white shirt? Hala! Magkakulay pa pala kami ng suot? Hindi. Wag ko nalang isipin yan.

“Heather.” Nakangiti nyang pag address sa akin.

“Zar.” Ngumiti ako sa kanya bago inilis muli ang mga tingin ko sa kanya. Ang awkward talagang tingnan sya.

Umupo ako agad sa tabi nya, sinigurado kong may distansya kaming dalawa.

“So, yung sinasabi mong—“

“Kamusta ka naman Heather?” agad akong napatingin kay Zar. Nakaa cross legs and arms syang nakaupo sa tabi ko habang nakangiting nakatingnin sa akin.

“O-okay naman.” Sagot ko na parang naiilang pa. “Back to the subject—“

“May plano sana akong magpunta ng baguio this weekend. Tayong tatlo nila Evo, ano sa tingin mo?”

A One Night LoveWhere stories live. Discover now