One Night 47: She is now on his side.

8K 174 5
                                    

Third Person.

“Hello?” groggy pa ang boses ni Zar ng sagutin nya ang tawag sa kanyang telepono. Napatingin sya sa orasan na nasa gilid ng kama nya. Saktong 6am ang oras, sino naman ang tatawag ng ganito kaaga? isip isip nya.

“Helloooo Lazarus~” agad na bungad sa kanya ni Sophie ng may pa singsong na tono. Sa tono nya, alam ni Zar na nasa magandang mood ang dalaga.

“Oh Sophie, napatawag ka?” tanong ng binata kasabay ng muli nyang paghiga sa kama at pagpikit ng mga mata.

“Eh kasi, nandito ako sa labas ng pinto ng unit mo.” Agad na napabalikwas si Zar sa sinabing yon ni Sophie.

“Oh Bakit?” nagtatakang tanong ni Zar.

“May regalo ako sayo~” masayang sagot ng dalaga.

“Huh? Ano naman yan?” curious na tanong ni Zar.

“Regalo nga di ba. Syempre surprise! Kaya buksan mo na tong pinto mo.” Udyok pa nya.

“O sige sige. Magbabanyo lang ako. Saglit lang.” tinatamad man at gusto pa nyang matulog, tumayo nalang si Zar mula sa kama nya. Curious sya sa dala ni Sophie at at the same time, nagtataka sya sa pagpunta ng dalaga kaya kailangan nya rin malaman to, lalo na’t napakaaga ng pagdalaw na ito ng dalaga.

**

Matagal na tiningnan ni Zar ang bagay na inilapag ni Sophie sa kanyang mesa. Kulay pula ito at may golden ribbon na may nakapalibot sa katawan. Sa kahit na sinong titingin, wedding ring agad ang iisipin ng kahit sinong makakita sa pulang box na yon.

Napainhale at kunot noo si Zar. Nag iisip man sya ng bagay na pwedeng laman nun…wala syang maisip kundi wedding ring lang.

Sa kabilang banda, excited naman si Sophie na makita ni Zar ang laman ng pulang box.

“Hindi kita type Sophie at please lang, ayokong magkaaway kami ng pinsan ko.”

Nagulat si Sophie sa sinabi ni Zar. “Ano? Ihambalos ko kaya sayo tong sofa mo? As if! Di kita type noh! Huh! Anong pinagsasasabi mo jan?” depensa ni Sophie ng may nandidiri kay Zar na expression.

“Eh para san tong box na to? Bakit mo nilagay yan jan?” nagtatakang tanong ni Zar.

“Hay nako.” Pabuntong hiningang bulong ni Sophie. Kinuha nya ang pulang box mula sa mesa. “Ito…ito ang box na sign ng pagtulong ko sayo.” Paliwanag ni Sophie.

Hindi parin maintindihan ni Zar ang pinupunto nya.

“Ganito kasi yan Lazarus, may kasalanan ako sayo.” Lalong napakunot noo si Zar sa pahayag na yon. “Si Carlo…alam kong kilala mo naman sya di ba.”

“Okay?” hindi parin maintindihang tanong ni Zar.

“Gumawa kasi ako ng isang agreement sa kanya kung saan dapat…eh aasarin ka nya. At well, aagawan pag dating kay Heath.” Pagpapaliwanag ni Sophie.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Si Carlo…sa totoo lang, wala naman syang gusto kay Heather. Pinalabas lang namin yun para mapush ka sa mga limits mo at mas maintindihan mo kung gusto mo bang talaga si Heather o hindi.” Paliwanag muli ni Sophie.

Nakakunot noong nakatingin lang si Zar kay Sophie. Hindi nya alam kung paniniwalaan ba nya ang dalaga o hindi.

“Bakit mo naman gagawin yon?” naitanong na rin nya matapos ang ilang segundo.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now