Special Chapter: Our Not So First Night

11.4K 160 7
                                    

Warning: This chapter contains quite explicit scenes. Yes, includes sex scene. If you guys are not comfortable with this. Then maybe, skip nyo nalang ito. Thanks!

Heather Stewart.

“Ahck!” agad kong kinoveran ang bibig ko ng hindi ko mapigilang mapatili ng buhatin ako ni Zar, bridal style. Natawa sya. “Sshhhh…” natatawa nyang pabirong sabi sa akin.

Kumapit ako sa leeg nya saka ako lalong nagpigil tumawa.

“Ibaba mo muna ako. Mag CCr muna ako.” bulong ko sa kanya habang binubuksan ang magiging kwarto namin.

“Wag na. Okay na yan.” Bulong nya sa akin. Mahina ko pang hinampas ang braso nya ng halikan nya ang isang parte ng leeg ko.

“Anong okay na. Bababa ako.” natatawa kong sabi. Dahil nagpupumiglas ako, binaba nya na rin ako. “Ang bigat ko?” considering yung weight ko at ang mabigat na wedding gown, siguradong mabigat ako.

Umiling sya habang may malolokong mga ngiti saka sya unti unting lumapit sa akin. Malapit na pala ako sa dingding kaya napasandal ang likod ko dito.

Naghihintay ako ng isasagot nya pero sa halip, inilapat nya ang mga labi nya sa labi ko. Napakalambot ng mga labi ni Zar, nasesense ko ang konting nginig, parang kaba o excitement ba, hindi ko sure kung ano ba sa dalawa. Hinawakan nya ang pisngi ko at lalo pang diniin ang mga halik nya. Napakatamis ng mga labi ni Zar, lasa ng cake na kinain namin kanina.

Pareho na kaming nag iinit at hinihingal ng maghiwalay ang mga labi naming dalawa. Pinatong nya ang noo nya sa noo ko at konti parin lang ang distansya ng labi nya sa labi ko.

“10 minutes. 10 minutes ka lang ha.” Kakaiba ang mga ngiting binibigay nya habang kagat din ang mga labi nya. Nung una, hindi ko pa nakuha kung ano ba ang sinasabi nya pero matapos ang ilang segundo, nakuha ko rin.

“30 naman. Maliligo ako.” sagot ko, tinutukoy nya ang pag CCR ko. Syempre, kailangan kong…maghanda.

Para bang bumuntong hininga pa sya pero ngumiti muli saka nagsalita.

“Sige, bilisan mo lang.” hinalikan nya pang muli ang labi ko bago nya ako pinayagan pumasok ng CR.

Ng makapasok ako sa CR, agad akong sinalubong ng isang malaking salamin sa harapan ko. Tapos, hinawakan ko ang dibdib ko, ang puso ko, sobrang bilis ng tibok!

OhmyGod! Napaupo ako sa toilet bowl sa CR, nakababa naman ang takip nito so pwede ng upuan.

Kasal na kami ni Zar. Isa na akong Mrs. Heather Temprosa! At kahit pangatlo na namin ito technically na pag sesex, syempre iba parin ito dahil this time, asawa na nya ako.

Kinuha ko ang towel na nasa harapan ko saka yun sinalpak sa mukha ko.

“Waaahhhhhh!!!!!!!!!!!!” sigaw ko sa towel. Sana lang hindi ako rinig sa labas sa ginagawa ko.

Kaya ko to.

Inhale. Exhale. Humarap ako sa harap ng salamin. Kaya mo to Heather, officially, pwede mo ng gawin ang lahat lahat sa kanya. Haha, nakakatawa. Ang dumi ko mag isip.

Inhale. Exhale.

Naligo ako. Nagshave sa lahat ng place na dapat tanggalan ng unnecessary hair. Nagtoothbrush at mouth wash ng ilang beses. Kinuha ko rin ang isang liquid transparent na parang lotion na binigay ni Sophie, ilagay ko daw yun sa balat ko para mabango. Inamoy ko, mabango nga. Sige, ilagay na natin to.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now