ONE NIGHT 14: Past

16.7K 305 6
                                    

Third person.

“S-sinong nakita mo kanina?” muntik ng maibuga ni Sophie ang ininom nyang juice ng sabihin ni Zar dito na nakita nya si Heather.

“Si Heather nga.” Pag-uulit ni Zar.

“Heather ano?” gulat na tanong parin ni Sophie.

“Sino pa bang Heather? Edi Heather Stewart.”

“Aba, malay ko ba kung ilang libong Heather ang kilala mo!”

“O tama na yan,” natatawa pang saway ni Lemuel na nakaupo at nakaakbay ang kamay sa sofang pareho nilang kinauupuan ni Sophie. “Babe, si Heather nga. As in yung kaibigan mong si Heather” natatawang pag-uulit nya kay Sophie.

“Tigil-tigilan mo ko sa babe mo pwede?” may matatalim na sabi ni Sophie habang natatawa parin lang si Lemuel sa kanya. Ibinalik ni Sophie ang tingin nya kay Zar. “San mo nakita?”

“Sa spoonful resto. May kasama syang—“

“San ka pupunta?” tanong ni Lemuel ng biglang tumayo si Sophie, parehong napatingala sa kanya ang dalawa.

“Aalis muna ako..” mabilis nyang sabi sabay kuha ng handbag nya.

“Teka, san ka nga—“

“Itetext nalang kita mamaya” sigaw ni Sophie bago tuluyang nawala sa paningin ni Zar at Lemuel.

“San pupunta yun?” nagtatakang tanong ni Zar sa pinsan nya.

“Aba malay ko. Narinig mo naman, magtetext nalang daw..”kibit-balikat na sagot ni Lemuel.

“Mga babae, hindi talaga tayo pinapatapos magsalitang mga lalaki..” nasambit na lamang ni Zar.

Nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ni Zar at sabay na natawa nalang dalawa. Pero hati parin ang isipan ni Zar, lalo ng nagbalik na ang babaeng hindi man lang nya nahingan ng tawad sa nakaraang apat na taon.

**

*DING DONGDING DONGDING DONG

Mabilis na pinindot ni Sophie ang doorbell ng bahay nina Heather. Kung totoo ang sinasabi ni Zar na nandito na nga sya, malamang umuwi na siguro naman ito sa bahay nila. Ang matagal ng kasambahay ng pamilya ang nagbukas ng pinto, si Manang Lyn.

“Ma’am Sophie—“

“Umuwi na po ba si Heather?”  mabilis na tanong ni Sophie kasabay ng pagpasok nya sa bahay nito.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now