ONE NIGHT 6: The effect on him

16.6K 296 3
                                    

Third Person.

"ANO TO??" malakas na sigaw ni Louis kasabay ng paghagis nito kay Zar ng ilang pirasong litrato.

Napatingin ang binata sa mga litratong ito. Naging blanko ang isipan ni Zar sa nangyayari.

"Gummybear, let me explain..." tawag nya dito. Hahawakan nya sana ang balikat ni Louis pero agad nya rin naman itong iniwas.

"Don't you dare Gummybear me! Pagkatapos mong gawin to? Ako pa ang inaakusahan mo tapos ikaw naman pala, kung kani-kaninong babae ka lang nakikipaglandian!" sigaw ni Louis kay Zar.

Naguumpisa na rin ang pagkapal ng tao sa eksenang ginagawa nila. Nasa school hallway sila pero para bang silang dalawa lang ang naroon dahil hindi sila nahihiyang mag away sa harap ng mga tao. O mas magandang sabihin na hindi nahihiya si Louis na gumawa ng eksena sa harap ng maraming taong ito. Gusto nyang makita ng lahat na sa paghihiwalay na ito, sya ang pinagtaksilan. Sya ang malinis at sya ang dapat bigyan ng simpatya. Pagkakataon nya na ito para makawala sa relasyong sumasakal at nagkukulong sa kanya at sa mga gusto nyang gawin.

"Louis please....Let me explain...Hindi ito tulad ng---"

"Stop it Zar! Cool off? Cool off?? No way! Break na tayo!" sigaw nya kay Zar kasabay ng pagtalikod nya. Pero hindi nagpaawat si Zar. Mahal nya ito. Mahal na Mahal. Agad nyang niyakap mula sa likod ang dalaga. Hindi nya alintana ang mga taong nagbubulungan at nanonood sa kanila.

"Please Louis, please don't do this...Wag mong itapon ang relasyon natin...Mahal na mahal kita. Sobrang mahal kita. Please..." bulong nito sa dalaga. It's almost a sob. Palabas na ang mga luha sa binata pero napipigilan ang mga ito dahil hindi naman talaga sya madaling mapaiyak. Paano nga ba sya napasok sa sitwasyong ito? Hanggang ngayon, sinisisi parin nya sa isipan nya ang kanyang pinsan na dahilan kung bakit napunta sya sa bar na iyon at nakuhanan ng litrato kahalikan ang isang di nya kilalang babae.

"Ikaw ang nagtapon sa relasyon natin..." sambit ni Louis kasabay ng pagkalas nya sa yakap ni Zar. Wala naman ng nagawa pa si Zar. Di na nya mahabol pa si Louis dahil kung tutuusin, kasalanan naman talaga nya. Kasalanan din naman nya.

"Oh, youre that whore bitch!" nabasag ang pagiisip ni Zar ng marinig nya ang mga salitang yan kay Louis. Tumigil ito sa pag wa-walk out nya ng makita nya ang isang babae, ang babae sa litrato.”Anong ginagawa nya dito?” isip isip ni Zar. “Anong ginagawa ng isang bayarang babae sa eskwelahan nila.”

"Huh?" naguguluhang tanong ng babae kay Louis.

*SLLLLLLLLLLAAAAAAAAAPPPPPPPPPP

Napahawak si Heather sa kaliwang pisngi nya. Gulat na gulat at hindi alam ang nangyayari.

"Oh please, don't pretend! NAPAKALANDI MO! Mang aagaw ng boyfriend! Nilandi mo sya di ba? O edi SAYONG SAYO NA SYA!!" malakas na sigaw ni Louis kay Heather kasabay ng tuluyan nyang pag alis.

“Success” isip isip ni Louis. Isang napakagandang eksena ang nabuo nya.

Gulat parin si Heather sa mga nangyayari, sana pala hindi na sya dito pa dumaan. Parang napasama pa tuloy yung pagbili nya ng tuna sandwhich. Umurong na nga ang gutom nya sa mga nangyayari. Nabasag ang pag iisip nya ng maramdaman nya ang mabilis at masakit na paghigit sa kanya....

"T-teka..." tawag nya dito. Pero hindi lang sya pinansin ni Zar at patuloy parin ang paghigit sa kanya.

Binitawan sya nito sa isang tagong parte ng eskwelahan. Sabay ng pagbitaw nya ang mahinang paghampas ng likod ni Heather sa pader. Mahina lang pero masakit. Damang dama ang galit na meron si Zar. Galit para sa babaeng sumira ng apat na taong relasyon nya sa pinakamamahal nyang si Louis.

"Sino ka?" matigas na tanong ni Zar kay Heather.

"Uhm...Heather Stewart..." takot na takot na sagot nya kay Zar. Nanginginig sa takot ang tuhod ni Heather. “Bakit ganito? Bakit ganito sya? Hindi ito ang Zarna nakilala ko..”isip isip ni Heather habang diretsong nakatingin sa galit na galit na mga mata ni Zar.

"Isang bayarang babae? Dito nag aaral?" pagtatakang tanong ni Zar sa kanya.

Para namang sampal ang mga salitang iyon kay Heather. Bayarang babae lang pala ang dating nya kay Zar.

"Uhm...hindi ako bayarang babae. Ako yung kadate nyo kagabi nung pinsan mo, si Lemuel, natatandaan mo ba?" tanong nya rito.

Masyadong maraming iniisip si Zar nung gabing iyon. Para syang isang zombie. Naglalakad pero hindi nag iisip kaya hindi nya masyadong matandaan ang mga nangyari ng gabing iyon. Pero ngayon...

"Ikaw pala yon...natatandaan ko na..." medyo nabawasan ang galit na meron si Zar kaya medyo naluwagan naman ng hininga si Heather.

" I'm....Sorry..." iyon na lamang ang nasambit ni Heather. Kahit hindi nya alam kung bakit sya ang humihingi ng tawad ngayon. Hindi ba dapat humingi rin si Zar ng tawad sa kanya? Sa nagawa nya sa dalaga? Dahil kung tutuusin, malaki ang nawala sa kanya ng dahil sa pagkakamaling iyon. Pero naisip din nya na nawalan si Zar ng dahil sa kanya kaya dapat lang din siguro na humingi sya ng tawad dito. Alam nyang apat na taon na ang relasyon nina Zar at Louis, at sa tingin nya, napakahirap ng break up na ito para kay Zar. Iniintindi na lamang nya ito.

Sa kabilang banda, galit na galit pa rin ang kalooban ni Zar. Walang sabi sabi pa, naglakad nalang palayo si Zar. Dala dala nya ang galit sa sarili nya, sa pinsan nya, at lalong na sa babaeng naging dahilan ng hiwalayan nila. Apat na taon. Apat na taon nyang inalagaan ang relasyon nila ni Louis. Hindi nya inaakala na masisira ito ng kung sino sino lang, ng isang taong panggulo sa buhay nya. Sa totoo lang, gusto nyang manuntok at pumatay. Pero mali iyon. Kaya dapat lang na iwan nalang nya ang dalaga. At kalimutan ang bagay na nangyari na. Kahit napakahirap nito para sa kanya.

Naiwang natatakot parin si Heather, nagtataka at nagtatanong. Takot mula sa taong matagal nan yang hinahangaan at sinusundan. Sa apat na taong pagsunod sunod ni Heather kay Zar, nakita rin nya kung paano nag-umpisa, umusbong, at lumago ang relasyong Zar at Louis. Masakit dahil sa apat na taon, tumingin lang naman talaga ang tangi nyang nagawa. Hinahangaan man kasi nya si Zar, ayaw naman ni Heather na makisiksik o manggulo pa sa storyang alam nyang extra lang sya. Sa loob ng apat na taon, alam nya kilala nya na si Zar.

Akala nya kilala na nya si Zar.

Pero sa mga oras na ito, tila ba nagdadalawang isip na sya.

Parang ang Zar na kilala nya, ay hindi pa pala sya.

A One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon