One Night 60: The Special Day

12.1K 196 4
                                    

Heather Stewart.

“Ew! Ano ba yung mabahong amoy na yon?” napatingin ako kay Sophie ng magreklamo sya.

“Alin? Ito bang iniihaw ko?” tanong ko sa kanya sabay turo sa iniihaw kong bangus.

Nandito kami ngayon sa dirty kitchen sa likod ng bahay habang naghahanda para sa birthday ni Evo. Haay, napakabilis ng panahon. Birthday na naman ng anak ko, sa totoo lang, taon taon nalang magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko sa event na yan. Indikasyon kasi yan na lumalaki na sya.

Mula sa kinatatayuan nya ay lumapit sa akin si Sophie saka inamoy ang iniihaw.

“Ugh, kadiri! Yan nga…” pinisil pa nya ang ilong nya, indikasyon na nababahuan nga sya saka lumayo agad sa akin.

Inamoy ko ang iniihaw ko.

“Di naman ah.” depensa ko sa kanya.

“Ugh, bahala ka jan. Basta mabaho..eww..” pahabol pa nyang puna saka sya naglakad na palayo at papasok sa bahay. Napailing nalang ako at napangiti. Ano bang problema nung babaeng yon.

Kasabay ng paglabas ni Sophie ang pagpasok naman ni Zar. Nakangiti akong napalingon sa kanya at ganun din naman sya sa akin.

Ano ba…tuwing nakikita ko sya…naalala ko parin yung nangyari sa amin three days ago. Ayan, namumula na naman ata ako.

“Hello.” Bati nya na para bang kadarating lang nya pero ang totoo nyan, kanina pa sya nasa loob at nagtutuhog ng hotdog with marshmallow.

“Hi.” Bati ko rin naman sa kanya ng nakangiti.

Pumunta sya sa likod ko saka ako binigyan ng mahigpit na back hug.

“Zar, amoy isda ako.” sabi ko sakanya at pilit kong inaalis ang sarili ko mula sa pagkakayakap nya.

Naramdaman ko ang pag amoy nya sa leeg at damit ko sa bandang balikat.

“Hindi naman ah. Mabango ka parin.” At lalong humigpit ang mga yakap nya sa akin.

“Ano ka ba, baka dumating si Daddy.” Pagrarason ko ulit habang natatawa.

“Oo nga.” Binigyan nya muna ako ng isang mabilis na halik sa pisngi bago nya ako binitawan para tumayo nalang sa tabi ko.

Hm, sa mga araw na dumaan mula nung sinabi ni Zar na kinausap nya ang tatay ko, masasabi ko na napakalaki ng effort nya para mapansin lang ni Daddy. Take note, mapansin ni Daddy at hindi mapansin ko. Gusto nya talagang makuha ang atensyon, respeto at tiwala ni Daddy.

Araw araw, walang mintis, dumadaan sya dito sa bahay para magdala ng mga prutas, o gulay, o kahit anong pagkain na sinabi nyang sinubukan nyang gawin. Nung una, ilag parin si Daddy. Kahit naman daw kasi pumayag na sya, babantayan nya parin kami. Lalo na ang mga pwedeng gawin naming dalawa ni Zar. Hindi naman na nasundan pa agad yung nangyari sa amin ni Zar three days ago, hands off na muna sya at halatang sobrang nagpipigil na.

Unti unti, sa totoo lang napansin kong parang mabilis din ang response, parang mas nagiging magaan na ang loob ni Daddy kay Zar. It’s been like three days pero kahit papaano ay kinakausap na ni Daddy si Zar. Paunti unti lang tulad ng pagbati, o minsan ay pag utos o kapag hindi talaga mapigilan ni Daddy dahil madaldal din yan, mga bagay bagay tungkol sa business. Nakita nya kasing napaka knowledgeable ni Zar pagdating dun.

“Heather…” agad kaming napangiti at nagkatinginan ni Zar ng marinig ko ang boses ni Daddy na tumatawag sa akin. Banday sarado talaga.

“Yes?” pinunasan ko ang kamay ko sa malinis na basahan na malapit sa akin saka lumabas ng dirty kitchen, kasunod sa likod ko ang presensya ni Zar. “Yes Tay?” tanong ko kay Daddy. Siya naman, tumatagos sa akin ang tingin, si Zar agad ang tinitingnan nya.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now