ONE NIGHT 5: The After Night

17.9K 293 2
                                    

Heather Stewart.

Dugo.

May Dugo.

Hindi ko alam kung bakit hindi pa nag sink in sa akin kanina na may nangyari nga sa amin at bakit hindi ako agad sobrang nagpanic. Pero ang makita ang dugo na yan sa bed sheet. Parang..parang…isa itong panaginip, ah hindi, bangungot ito at ang dugo na yan ang pinaka matibay na ebidensya. Oo tama, gusto ko si Zar pero hindi sa paraang ganito!

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako hanggang sa unconsciously nalang ako napasinghot at mapansing kanina pa pala ako umiiyak.

Paano? Paano na to? Bakit ganito? Paano ako napunta sa sitwasyong ito? At ang pinagtataka ko lang, ANO BANG GINAGAWA NI ZAR SA LOOB NG BANYO?

Narinig kong pumihit ang door knob ng banyo. Agad ko naman pinunasan ang luha ko—kung saka-sakali, ayoko naman makita nya akong nag iiiyak dito—at, ginalaw ko yung kumot para hindi nya makita yung dugo. Nahihiya ako, sobra! Ayoko lang makita nya ang…dugo ko.

Half naked sya ng lumabas—Jusko naman—nakapantalon na sa pangibaba habang sinusuot pa ang t-shirt nya. Nagdirediretso sya sa sidetable ng kama at unti-unting kinukuha ang mga gamit nya. Teka, anong sasabihin ko? Sasabihin ko ba na, “Zar, may nangyari satin, paano na to?”ganun ba dapat? O “Walanghiya ka Zar! Anong ginawa mo sakin??!” sabay hagis ng unan. Ganun ba dapat?

"Oh..." sabay abot nya ng pera.

"Ha?" naguguluhan kong tanong.

"Kunin mo na. Bayad ko..." sinabi nya na parang wala lang

"Ano?" aba tong lalaking to.

"Bakit kulang ba? teka..." at kumuha pa sya ng pera sa wallet nya. "Kasya na ba to?" sabay abot nya pa rin ng pera sakin.

"Teka---"

"Iwan ko na lang dito ha. Alis na ko..." and he turn his back.

"TEKA---" wala na. Sinigawan ko man sya nakaalis naman na sya.

Teka, anong nangyari? Tinitigan ko ang pera. Bakit nya ako binibigyan ng pera? Mukha ba akong…

Nanlaki ang mata ko ng magets ang reaksyon nya.

Teka, akala ba nya bayaran akong babae?

Wala na akong nagawa pa kundi umiyak na naman.

I just lost my virginity at akala pa ni Zar bayaran akong babae. Ang swerte ko sobra!

**

“Sophie!!!” tawag ko sa labas ng condo ni Sophie kasabay ng malalakas ng katok sa pinto “Sophie!! Sophie!! Sop—“

“Heather ano ba??” bumungad sa akin ang pupungas pungas at galit na galit na Sophie. “Makakatok ka naman. May mga kapitbahay ako. Iskandalosang to…” hindi ko sya pinansin at pumasok agad sa unit nya.

“Nasan ka kagabi?” agad kong tanong ng maisara na nya ang pinto.

“Nandito sa bahay..” nag-yawn pa sya ng sumagot.

“Anong bahay? Di ba magkasama tayo sa bar?” nagtataka kong tanong.

“Ah, umuwi ako kasi nakita ko si Alejandro. Eh alam mo naman---Hoy Heather, bakit ka umiiyak jan?” lumapit sya sa akin ng may concern na expression. Agad ko namang hinawi ang pisngi ko, hindi pa pala tumitigil tong mata ko sa kaiiyak.

“Ipagpatuloy mo na yung kwento mo…”

“Eh bakit ka nga umiiyak?” muling tanong nya. Tiningnan ko lang naman sya na nagsasabing ipagpatuloy na lang nya yung sinasabi nya kaya kunot noo at may pagtataka syang nagpatuloy. “Yun nga, nakita ko si Alejandro, kaya tinakbuhan ko na. Alam ko naman, alam mo pauwi kaya iniwan na kita…”

“Bakit mo naman ako iniwan? Hindi mo man lang ako dinaanan? O tinawagan?” pasigaw kong nasabi.

“Woah Dude! Easy ka lang! Tinawagan kita pero lowbat ka na ata. Tinawagan ko ang phone ko hoping na tinabi mo pero hindi mo naman sinagot, naalala ko nakasilent pala kasi yun. Ano bang problema mo? O ayan, umiiyak ka na naman!” sabay turo na naman nya sa pisngi ko at hawi ko na naman. Nakakainis, involuntary na pala ang luha ngayon...

Napaupo nalang ako sa sofa ni Sophie. Oo, pumunta ako dito, dahil gusto kong tanungin si Sophie kung bakit ganun ang nangyari. At some point, para may masisi. Pero kapag si Alejandro na ang nakikita netong babaeng to, alam kong natural lang ang naging reaksyon nya. Sa totoo lang, iniiwasan ko rin ang mayabang na lalaking yun. Kaya alam kong, walang kasalanan si Sophie.

“Ano bang problema mo?” umupo na si Sophie sa tabi ko. Nagbuntong hininga muna ako bago humarap sa kanya at nagsalita.

“May nangyari samin ni Zar kagabi…”

Ilang segundo muna ang lumipas na nakatitig lang sa akin si Sophie.

“Pakiulit nga yung sinabi mo, parang nabingi ata ako…” tanong nya after ng ilang segundo.

“May nangyari samin ni Zar kagabi..” pag uulit ko.

“ANO?? Seryoso? Walang halong biro?”

“Sophie hindi ako nagbibiro..”

“Hindi magandang biro Heath ah, anong pinagsasasabi mo? Imposible yan!”

“Panong imposible eh nangyari na nga…”

“Seryoso?” hindi parin sya makapaniwala.

“Gusto ko sanang sabihing hindi. Pero sorry, seryoso talaga..”

“Shit” naibulong nalang ni Sophie.

Ilang oras na nagpaikot ikot sa harap ko si Sophie, nag iisip kung ano baa ng dapat kong gawin. Rinding rindi na rin sa panay ng pabulong nyang pagmumura at promise, hindi talaga yun nakakatulong ngayon. Pero may mga punto syang sadyang ikinatakot ko. Paano ko ito sasabihin sa tatay ko? Mahal man ako ng tatay ko, mapapatawad kaya ako nun kung saka sakaling…sabihin ko sa kanya na, naisuko ko na ang bataan ko? Patay na, kano man yung tatay ko, ugaling Pilipinang dalaga naman ang tinuro at inaasahan nun sakin. Patay na talaga ako.

A One Night LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя