One Night 27: Family Bonding

11.6K 218 3
                                    

Heather Stewart.

"Mommy! Mommy!" agad na pumasok si Evo sa kwarto ko.

"Yes anak?" binuhat at pinaupo ko sya sa lap ko.

"Could you please not go to work today?" tanong nya with puppy eyes and pouting mouth.

"Why? You fully know that I have work today and you have class."

Nag twinkle ang nga mata nya na parang excited na excited.

"Our teacher told Daddy that we will not have any class for today. Also, Daddy said that he does not have any work today. And so I told him you also don't have work today and he can come over here."

"What?!"

Nag nod sya ng mabilis at sobrang nakangiti.

"Please! Please! Mommy Please! Don't go to work today please?"

Napabuntong hininga ako sa pagpapa cute na ginagawa ni Evo. May magagawa pa ba ako? Wala na nga akong nasabi di ba. And besides, day off ko naman talaga kahapon pero pumasok ako. I guess ngayon ko nalang gagamitin yung day off ko.

"Ok fine." pagpayag ko.

"Yes!!" nagtatatalon si Evo sa kama ko. Lumapit sya sa akin at niyakap ako. "Thank You Mommy" at hinalikan nya ako sa pisngi.

**

"Are you sure your Daddy's coming Evo? It's 9am already." tanong ko kay Evo habang inaayos ko ang mga molder na gagamitin namin para gumawa ng chocolates.

Sabi ni Evo, gusto daw kasi nyang gumawa ng chocolates kasama si Zar.

"Of course I'm sure Mommy. Are you that excited to see Daddy?"

Napatingin ako kay Evo.

"I'm not excited to see your Daddy, Evo."

Tumingin sya sa akin with cute child-looking serious face.

"If you say so.." nagkibit balikat sya saka bumalik sa ginagawa nya.

"I'm not--" hindi ko na itinuloy pa ang pagtanggi. Iba na ba ang interpretation ng mga bata ngayon ng mga simpleng tanong? Haaayy...

Pareho kaming napatingin sa pinto ng mag door bell ito.

"Daddy's here!" masayang tumakbo si Evo sa pinto.

Ilang segundo pa, kasama na nyang naglalakad si Zar papunta dito sa kusina.

Suot nya ang isang casual jeans and sky blue shirt. Nakaayos din ang buhok nya at para bang bagong gupit. Mula sa malayo ay naaamoy ko rin ang kanyang men perfume. At ang mga biceps nya---teka, iniisip ko ba ang lahat ng yon?

That's...oh my gosh! Anong nangyayari sa akin?

"Hi Heather!" bati nya sa akin sabay lapag ng mga dala nyang supot.

"Hi." tipid kong sagot sabay baling ng atensyon ko sa mga supot. "Ano to? Namili ka?"

"Ah oo. Pang lunch sana kaso hindi ko naman alam kung anong gusto nyong kainin para sa lunch kaya kung ano nalang yung nakuha ko sa grocery."

"Ah sige sige. Ako ng bahala." itinabi ko muna ang mga ipinamili ni Zar.

"Kayo? Anong ginagawa nyo?" tanong ni Zar sabay buhat kay Evo.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now