ONE NIGHT 2: Ang buhay ng pinakamagandang stalker sa universe.

22.5K 326 7
                                    

Heather Stewart

“Heather Stewart!!”

“Ay baklang kabayo! Ano ba Sophie??! Walanghiya ka ginulat mo ko!” mariin ang pisil ko sa dibdib ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Nakakagulat naman tong si Sophie.

“Eh kasi naman, tulala ka na naman. Ano na naman bang iniisip mo? Or should I say..” lumapit sya sa akin at may mga mapanuri at matatalim na tingin “Sino na naman ba yang iniisip mo?”

Binigyan ko lang sya ng isang mapang asar na expression. Nagtatanong pa sya samantalang alam naman naming dalawa kung sino ang sagot sa tanong nya.  Nag roll eyes lang naman si Sophie sabay umupo sa tabi ko. Hinihintay namin yung next period namin, wala pang prof.

“Alam mo…” biglang nagsalita si Sophie sa tabi ko. “Hindi ko magets kung bakit nagpapakabaliw ang iba jan sa isang taong hindi naman alam na nageexist PALA sya..” take note  the emphasis.

“Ha? Sino yon?” napanggap akong patingin tingin sa paligid namin. “Sinong pinariringgan mo Sophie?” nagpipigil tawa kong pagpapanggap.

“Wow Heather, gusto mo pasok kita sa acting workshop? Kulang pa arte mo, practice ka…” ang sama ni Sophie I know. Nod nod.

“To naman nag jo-joke lang…”

“Natawa ba ako?” seryosong mukha nyang tanong.

“Hindi.”

“O edi hindi yun joke..” nag make face lang ako sa kanya. Minsan, basag trip din lang tong si Sophie.

“But seriously,” muling pagsasalita ni Sophie. Take note, seriously ang sabi nya. Hindi pa pala sya seryoso kanina. Adik lang I know. “Please lang, tigilan mo na talaga yang si Zar. Minsan natatakot na ko sayo. Hindi kaya may sakit ka na? Obsession?”

“Grabe ka naman! Wala noh? Lagi lang sinusundan obsess ag—“

“Oo. Paalala ko lang ha, four years mo ng sinusundan yung tao. Four years LANG naman..”

“Oh eh..”

“Oh eh ano? Ewan ko ba sayo kung anong nakita mo jan sa lalaking yan. Hindi naman kagwapuhan—“

“Oy gwapo sya. Nakito mo yung dimples nya? Ang cute kaya..”

“Maraming lalaking may dimples sa mundo Heath. O di naman kaya, dimples lang naman pala ang gusto mo, pagagawan pa kita ng dimples sa mukha mo para masaya ka..”

“Hehe..ang ganda mo..” wala na kong masabi kaya dinaan ko nalang sa pagiging sarcastic.

“I know..”

“Shut it Sophie..” ganyan lang kami ni Sophie pero walang asaran yan.

“Good Afternoon fellow schoolmates, It’s Louis Gicam, you’re broadcasting dj, and our next requested song is…bleeding love…” biglang nagsalita si Louis mula sa mga speaker ng school at yes, miyembro sya ng broadcasting thing organization ng school kaya yan. Ang pinagtataka ko lang, ay kung anong tinatawa tawa ng katabi ko ngayon.

“Ano yan, masaya kang naririnig mo a-ng boses ni Louis?” tanong ko kay Sophie na minsan lang magpigil ng tawa at lucky you guys, isa ang mga araw na iyon as ngayon.

A One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon