ONE NIGHT 17: Let's talk (revised)

15.4K 257 5
                                    

Heather Stewart.

“Evo! Bilisan mo na anak. Malelate ka na naman sa school!” tawag kokay Evo na nasa CR. Nandito ako ngayon at naghahanda ng kakainin at babaunin nya.

Napatigil ako sa paggawa ng sandwhich ng tumunog ang cellphone ko.

“Hello?”

“Heather, si Zar” medyo nagulat ako na sya ang tumawag. Pero, sinubukan kong sagutin agad sya. Weird lang kasi na tinatawagan nya ako.

“Zar…oh bakit? San mo nakuha yung number ko?”

Mahina syang natawa. “Kay Sophie.”

“Ahh..” natawa rin ako. “Congratulations at nakuha mo sa kanya.”

“Oo. Ang dami kong narinig na salita bago ko nakuha sa kanya. Haha” natawa na rin ako. So Sophie talaga.

“Oh bakit ka ba napatawag?”

“Uhm, gusto ko lang sanang…mag usap tayo”

“Ahh..sige…ano ba yun?” medyo nag hehesitate na tanong ko.

“Yung tungkol kay Evo. Sabi mo pag usapan natin ngayon yun.”

“Ah, oo nga pala”

“Mommy, who are you talking to?” biglang lumabas na si Evo.

“It’s your Daddy.” Sagot ko na medyo tinakpan muna ang cellphone.

“Oh, okay.” Sagot nya sabay pasok muli sa kwarto.

“Si Evo. Kakalabas lang ng CR. Ano nga ba yung sinasabi mo?” balik tanong ko kay Zar.

“Magkita naman tayo..”

“Ha? Bakit?”

“Mas maganda kung personal tayong maguusap. Di ba? Okay lang ba? Tungkol kay Evo..”

“Oh, sige. Bukas pa naman ako papasok. San mo ba gusto magkita? Pupunta ako pagkatapos kong ihatid sa school si Evo.”

“Dito nalang sa office. Itetext ko nalang sayo yung number.” Hindi ko alam pero parang may sense of excitement sa boses nya ng sabihin nya yun. Pero hindi ko nalang pinansin.

“Okay.” At pinatay ko na yung cellphone.

**

“Ano??? Magkikita kayo ni Lazarus?? Bakit daw???” tinangal ko ang cellphone ko malapit sa tenga sa lakas ng sigaw ni Sophie.

“Sophie, gawin mo pa yun at dadaanan kita jan sa inyo at sasabunutan. Masakit sa tenga ah!”

“Eh bakit ka nga makikipagkita kay Lazarus? Nasan ka na? Papunta  ka na ba sa kanya?”

“Geez Sophie, wag ka nga sabi sumigaw. Oo nasa taxi na ako at papunta na sa kanya.”

“At saan naman kayo magkikita?”

“Sa office nya.”

“Please wag mong sabihin na sa Purple Diamond kayo magkikita…”

“Dun nga. Bakit—“

“Walanghiyang Lazarus yan!!”

“Oh bakit? Anong meron dun?

A One Night LoveWhere stories live. Discover now