ONE NIGHT 12: Regret or not?

15.2K 292 1
                                    

Third Person.

Dalawang araw na ang nakakalipas ng mangyari iyon. Mula noon, nagbalik sa normal ang mga buhay nila.

Tinulungan sila ni tadhana na hindi na masyadong magkita.

Kung magkikita man sila ay magkakasalubong na lamang sila sa hallway.

Pero, sa tuwing mangyayari iyon, agad naman na iiwas ang mga mata ni Heather at para bang wala syang nakikita. Ganun din naman si Zar.

Pero siguro, dahil na rin sa ginawa nya, medyo nabawasan na ang nararamdaman nyang galit. Tutal, matagal na rin naman talaga silang hiwalay ni Louis.

Sya na nga lang ata ang hindi pa nakakapag move on sa pangyayari. Pero masisisi ba sya ng kung sino kung mahal na mahal nya si Louis. Ito ang unang babaeng nakarelasyon nya, minahal. Apat na taon kasama ang babaeng kahit minsan, kahit isang beses lang, hindi sumagi sa isipan nyang ito ay mawawala ng basta basta lang.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Zar sa pinsang si Lemuel ng madatnan nya ito sa bahay nila.

"Sinamahan ko lang si Kuya. May inutos kasi si Mommy.. "

"Tss.. " at lalagpasan na sana nya ito ng pigilan sya ng pinsan.

"Zar..." sabi nya kasabay ng pagpatong ng kamay nito sa balikat ng pinsan.

"Ano??!!" naiiritang tanong nya dito at tinanggal ang kamay ng pinsan sa balikat nya at humarap dito.

"Nabalitaan ko yung ginawa mo..."

"Ha?" di maintindihang tanong nito.

"Yung ginawa mong pagpapahiya kay Heather. Nabalitaan ko yun..."

"O ngayon?"

"Zar, gusto ko lang sabihin sayo na GAGO ka!" malumanay pero malutong nitong sabi.

"Ano?"

"Bukod dun, BULAG, BOBO, at TANGA ka din...."

"A-ano? Aba't Gago ka pala eh..." sabay susuntukin na sana nya ito ng agad na makaiwas si Lemuel at naunahan ng suntok si Zar.

Agad naman bumulagta ang binata sa sahig at nagdugo ang mga labi nya.

"Alam mo Zar, di lang naman ikaw ang dehado sa nangyari sa inyo eh. Babae si Heather, VIRGIN pa! pero may nangyari sa inyo ng di inaasahan. Nakarinig ka ba sa kanya ng kahit ano? Nakatanggap ka ba ng sampal man lang? Sigaw? o paninisi? wala naman di ba? Zar, di ko to sinasabi dahil may interes ako kay Heather o kung ano pa man na baka iniisip mo na ngayon. Hindi nya rin ako kaibigan para sabihin ko sayo. Pero insan naman, BABAE YON! Binastos mo na nga, pinahiya mo pa! Akala mo ba ikaw lang ang nawalan? Para sabihin ko sayo, MAS MALAKI ANG NAWALA SA KANYA! Yung girlfriend mong si Louis?...shit...sasabihin ko na dahil tutal naman, itinakwil mo na ako bilang pinsan mo, pero dude, dalawang taon ka ng niloloko nun! DALAWANG TAON! Nung nalaman ko yun, di ko sinabi sayo dahil MAHAL mo sya. Pero pare naman, ang shit at stupid kasi ng lecheng puso mo na yan eh! Tumitibok sa MALING tao! Di ko rin sinasabi to para sabihin na si Heather ang mahalin mo o subukang magustuhan. Hindi kami magkaibigan! Pasensya na pare pero sumobra ka na. Siguro, kailangan mo na ng taong gigising sayo."

Natulala lang si Zar sa mga narinig nya. Marahil dahil hindi nya inaasahan ang mga salitang iyon sa pinsan nya na sa totoo lang ay mas childish pa sa kanya.

"Oh, anong nangyayari dito?" tanong ng kuya ni Lemuel ng makalabas ito ng bahay at makita sila.

"Wala kuya, tara na!" yakag ni Lemuel bago iwan ng matatalas na tingin ang pinsan.

"Nga pala,” tumigil si Lemuel bago pa man sya tuluyang makaalis. Hindi naman napigilan ni Zar na lingunin at tingnan ang kanyang pinsan. “Nung gabing may mangyari sa inyo ni Heather, na drugs kayo. Merong nag-utos sa isa sa mga crew ng bar na ibigay yung cocktail na may drugs sa room 109 pero nagkamali yung crew at naibigay sa inyo, sa room 106. Sinabi ko lang, para malaman mong hindi lang ikaw ang niloko, naguguluhan at nabigla sa nangyari” pagtatapos nito bago tuluyang umalis.

Naiwan si Zar na may pagtataka at pagkabigla. Hindi nya maintindihan kung bakit ba nangyayari ang sitwasyong ito sa kanila. Pero, may lalong hindi sya maintindihan, at iyon ay ang kirot na nararamdaman nya sa puso nya. Kakaibang kirot, kirot na mas maliit lamang pero tila ba mas malaki pa sa naramdaman nyang sakit sa pagkawala ni Louis.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now