One Night 35: What he felt

8.1K 161 3
                                    

Third Person.

Hindi maialis ni Zar ang pagkakunot noo nya habang nakatingin sa monitor ng kanyang computer.

“Carlo Ashton, former General Manager of FnF New York.” Isang napakasimple at napakaikling impormasyon na malaki ang epekto hindi lang sa kaalaman nya tungkol sa taong ito ngunit pati na rin sa kumpanya nya.

Ayaw isagi ni Zar sa isip nya kung anong klase ba ng intensyon ang gusto ni Carlo Ashton sa kumpanya nya para itago pa ang isang importanteng impormasyon na ito. Hindi nya pa tuluyang maisip kung ano ba talaga ang intensyon ng taong ito, mabuti ba o masama?

Napalingon si Zar sa cellphone nya ng tumunog ito, hudyat na may tumatawag sa kanya. Marahan nyang inialis ang tingin nya sa monitor ng kanyang computer at kinuha ang cellphone nya saka sinagot ito.

“Hello?”

“Oh, Hello Zar!” sa malakas palang na boses nya, alam na agad ni Zar na si Sophie ang tumatawag sa kanya.

“Oh Sophie, napatawag ka?” mahinang tanong nya dito, halatang pagod na dahil sa isang buong araw na pagtatrabaho.

“Eh kasi, nanalo ako ng isang special gift certificate ng grand hotel. Apat na ticket. Tara! Sama ka samin! Double date tayo nila Heather at Lemuel!” yaya ni Sophie.

“Bukas nalang. Pwede pa naman yang GC mo hanggang bukas di ba?” napapapikit pa na saad ni Zar.

“Hindi na! Hanggang ngayon lang to. Sige ka, iba nalang yayayain ko para iba nalang ang partner ni Heath.” Mabilis na sabi ni Sophie.

Agad na napabalikwas si Zar sa kinauupuan nya ng marinig nya yon.

“Oo na pupunta na. Susunduin ko ba kayo dyan?” mabilis na nakapaglakad si Zar mula sa study room nya papunta sa kanyang kwarto para mabilisang maligo.

“Hindi. Dumiretso ka nalang sa Grand hotel. Sige, bye!” agad na paalam ni Sophie bago nya ibaba ang telepono.

Mabilis na naligo si Zar at naghanda para makapunta sa grand hotel. Suot nya ang kanyang itim na suit, fully emphasized ang katikasan ng kanyang katawan at ang kagandahan at kakinangan ng kanyang kutis sa ilalim ng itim na damit. Marahan nyang inayos ang kanyang buhok, sinuot ang kanyang mamahaling relo, makinang at itim na itim na sapatos at ang kanyang kakaiba, manly at nakakapangakit na pabango. Nakahanda ng makitang muli ni Zar si Heather.

Tatlumpung minuto ang tinagal para makarating si Zar sa grand hotel. Sinalubong sya ng isang valet para kunin ang kanyang sasakyan habang matitingkad naman ang mga malalaking chandelier ng hotel.

Agad na hinanap ng mga mata ni Zar ang grupo ng mga taong alam nya ay makakasama nya sa gabing ito. Pero, agad na napakunot ang kanyang mga noo ng mula sa dulong kaliwang bahagi ng hotel restaurant ay nakaupo ang babaeng tanging ipinunta nya para sa gabing ito.

Kitang kita ang kagandahan ni Heather sa suot nyang sleeveless black dress. Ang kinang ng kutis ni Heather at kagandahan ng ngiti na meron sa kanyang mga labi sa mga oras na yon ang dahilan ng unti unting pagtaas ng mga balahibo ni Zar.

Pero, ang tila ba nag uumapaw na paghanga ay napaltan ng kakaibang pagtataka, pagkagalit at pagkaselos. Lalo na’t nakaupo si Heather kausap ang isang lalaking hindi naman dapat nya kausap. Noong una’y hindi nya agad naaninagan kung sino ang kasama ni Heather pero matapos ang ilang segundong masinsinang pagtingin, mas lalong tumaas ang kakaibang pakiramdam na meron si Zar, si Carlo Ashton, ano pa bang bagay ang itinatago ng lalaking ito? Ano ba talaga ang tunay nyang intensyon? Tila ba parang sirang plaka na namang umulit ang tanong na iyon sa kanyang isipan.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now