One Night 51: Cebu Trip part 3

7.1K 165 5
                                    

Heather Stewart.

"Ano? Nahihilo ka pa ba? Hindi ka naman nilalagnat ah, bakit ka kaya nahihilo." Sambit ko habang patuloy na hinahagod ang noo ni Evo.

"I don't know either Mommy, I think I can't go to the yacht." Sagot nya habang naka pout. Napabuntong hininga ako. Pano ba to...

Napalingon kaming pareho ni Evo ng dalawang beses kumatok si Zar sa pinto. Bukas naman yon kaya pumasok na sya. Nakakunot noo sya ng katulad ko at may nag aalalang expression na lumapit sa amin.

"Nahihilo parin ba?" tanong nito.

"Oo eh. Wag nalang muna tayo tumuloy." Sagot ko.

"No Mommy you should go! I'm fine here alone." Mabilis namang pagkontra ni Evo.

"Pero anak...nahihilo ka nga di ba. Hindi naman kita pwedeng iwanan dito."

"No I'm fine. I could just take a little sleep and rest. I'll be fine. You and Daddy could go Mommy." Naka pout pa na sagot ni Evo.

"Oo nga. Tsaka nandito naman si Nay Sally. Pwede na nating iwan si Evo." Agad akong napatingin kay Zar. Nagsalita sya ng ganun pero parang may pigil syang expression na hindi ko maintindihan.

"Hindi pwede noh! Baka mamaya ano ng mangyari sa anak ko kapag wala ako sa tabi nya." Mabilis kong sagot.

Akala ko matatapos na ang usapan na yon sa ganun. Pero, hindi pa pala. Isang oras pa ulit kaming nagtawaran ni Zar. Yung sunset na dapat eh aabangan namin habang nasa yate nila, hindi na namin posibleng makita pa. Ng makatulog si Evo, patuloy parin akong kinulit ni Zar na pumunta sa yate kahit gabi na. Kahit ayoko na talaga, naawa na rin ako sa kanya na hindi sya pagbigyan dahil bukas, uuwi na rin naman kami ng maynila. Last day na namin kaya pumayag na rin ako.

"Pakitawagan po ako kapag may nangyari ah." bilin ko kay Nay Sally bago kami umalis ng bahay nila.

"Oo iha, wag ka mag alala. Mag enjoy kayo dun ha." Nakangiti namang sagot ni Nay Sally.

"Sige po." Tugon ko din.

"Tara na!" nakangiting akay sa akin ni Zar.

Maiksing byahe ang pinagdaanan namin bago nakarating sa isang mukhang pribadong daungan ng mga yate. Mukhang maliit lang ito na hindi katulad ng daungan ng malalaking barko pero kahit ganun, hindi parin matatanaw ang lawak ng dagat na nakapalibot dito. Maaaring dahil na rin sa gabi na at madilim o baka dahil na rin sa dagat nga ito at masyadong malawak.

Inakay ako ni Zar sa isang maliit na yate. Hindi ito katulad ng sobrang grandeng yate na napapanood ko sa tv. Para bang pang maliliit na byahe lang ito at pang pribadong gamit lang talaga. Ang maputi nitong katawan ay kumikinang sa dilim habang sa gilid ay nakasulat ang salitang, Lazarus. Napatingin ako kay Zar ng makita ko iyon.

"Pinangalan nila sakin." Nakangiti nitong sagot sa tahimik kong tanong. Napangiti ako.

"Mahal na mahal ka nila." Sambit ko habang tinutukoy ang mga magulang nya. Nginitian nya ako na para bang sumasang ayon sya sa sinabi ko saka nya ako tahimik na inakay paakyat ng yate. Hindi naman mahirap dahil may platform naman para makaakyat dun.

"Hindi katulad ng ibang yate, hindi na kailangan pa ni Lazarus ng dalawa o tatlong tao kapag inooperate. Kaya na sya ng isa dahil maliit lang naman to." Pagpapaliwanag ni Zar habang nililibot nya ako sa yate.

Tulad ng inaasahan, maliit lang talaga ito. May maliit na parang sala, maliit na lababo na para bang kusina, maliit na CR na isang tao lang ang kasya, lugar kung saan nandun ang manibela ng yate at kung ano ano pang pindutan na hindi ko naman alam paganahin at ang iba pang parte ay para bang veranda ng yate.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now