ONE NIGHT 10: The truth

14.9K 295 2
                                    

Sophia Dower.

“Lemuel ano bang ginagawa natin dito?” muli kong tanong kay Lemuel ng dalhin nya ako dito na naman sa pesteng bar na to. Sumasakit ang ulo ko pag naaalala kong sinama ko dito si Heather at…may nangyari pa.

“Pwede ba Sophie, kanina ka pa tanong ng tanong—“

“At kanina mo parin ako hindi sinasagot. Isa pa, jojombagin na talaga kita..”pan th-threat ko sa kanya. Nakuuu!! Bakit ba kasi naging katext ko pa tong lalaking to.

“Di ba hindi nga natin alam ang nangyari kila Zar nung gabing yon? Kaya nga magtatanong tanong tayo..”

“Ewan ko sayo Sherlock. Hindi ko alam kung ano bang hindi mo maintindihan..”

“Basta sumama ka nalang..”

 Ewan ko ba kung anong problema ng lalaking to. Tanga ba sya, bobo o talagang malakas lang ang paniniwala? Sino bang hindi nalalasing at nawawala sa sarili kapag nakainom? Wag nya sabihin saking may pagka-super talent o skill yang hayop nyang pinsan sa pag inom at hindi nalalasing. Nakuu!!!

“Bahala ka..” naibulong ko nalang.

Pumasok kami sa bar, ah hindi,  pinilit namin ang mga sarili naming pumasok sa bar dahil obviously, sarado pa talaga to dahil tanghaling tapat. Tirik na tirik ang araw at etong katabi kong ala-detective eh gustong magsayang ng oras.

“Walanghiya ka, umabsent pa ako sa klase ko siguraduhin mo lang na may malalaman tayo dito kung hindi..” bulong ko habang inaalalayan nya akong lumusot sa harang na ginawa siguro ng mga crew ng bar para walang makapasok. Pero masyadong eng-eng ang mga tao dahil nga harang lang ang nilagay at eto nga, nakakapasok kami.

“Malay mo lang may malaman tayo..” pabulong nya ring sagot. Sinamaan ko lang naman sya ng tingin, kutos sakin to pag nagkataon.

“Sino kayo? Pano kayo nakapasok, bawal pa ang mga tao dito. Sarado pa kami..” sita sa amin ng isa sa mga crew ng may makakita sa amin.

“Hindi may---“

“Pasensya na Sir pero bawal pa po talaga, balik nalang po kayo mamayang 7 ng gabi bukas na po kami..”

Tiningnan ko sya ng nagsasabing ‘o ano, sabi ko sayo di ba?’ habang nakataas ang aking kaliwang kilay. Narinig ko syang nagmura ng mahina sa sarili nya bago pa ulit nagsalita.

“Temprosa ako..”

Originally, pagtatawanan ko sya dahil parang, what da heck? Pakialam naman sayo kung temprosa ka. Bakit, presidente ka ng Pilipinas para papapasukin kapag sinabi mo ang apelyido mo? Pero, hindi ko nga nagawa dahil tumigil na tong crew sa pagtaboy sa amin.

“Ah Sir, Dito po kayo..” sabi nya.

Habang naglalakad, tiningnan ko naman si Lemuel at tinaasan ng kilay. Nag-uusap kami sa tingin at para bang tinatanong ko sya ng ‘ano yon? Bakit tayo pinapasok?’ pero, ngumiti lang ang mokong at kumindat pa.

“Gusto ko lang malaman kung may mga nakuha ba kayong gamit sa room 106 nung Sunday last week? May nakalimutan kasi kami..” tanong ni Lemuel sa isang crew ng bar.

“Anong oras po ba Sir?”

“Uhmm—“

“Mga 9pm..” pagsingit ko sa usapan nila.

“9pm? Absent po ako whole week last week Sir at Ma’am, baka po yung kasamahan ko may alam..”

“Edi yung kasamahan mo yung tawagin mo! Nagtatanong ka pa ng oras absent ka naman pala..” nasigawan ko pa sya ng wala sa oras. Tatanga tanga kasi..

“Pasensya na po Ma’am” at umalis na sya.

“Oh, puso mo.” Natatawang sabi pa ni Lemuel.

“Walanghiya kang lalaki ka! Pag tayo walang napala dito..”

“Oo na, kanina mo pa sinasabi yan..” natatawa nyang sabi.

Isang crew pa ang lumabas kasama yung tatanga tangang crew. Pinaalis ko na muna yung tatanga tanga, nabibwiset ako sa pagmumukha nya baka kung ano lang magawa ko sa taong yon. Pero, etong crew na nasa harapan namin, para namang natatandaan ko sya. Sinabi namin na may hinahanap kaming gamit—buti nalang sinabi ko kay Lemuel na naiwan ko ang gamit ko sa bar nung papunta kami dito kaya yun agad ang sinabi nya—natandaan naman nya kami pero may mali nga lang sa statement nya.

“Kayo po yung sa room 109 di ba? Hindi ko po kayo makalimutan kasi ang gaganda nyo po..” nakangiting sabi sa akin ng crew.

“Gusto mo bang mamatay ng maaga? Wag mo kong dinadaan daan sa mga ganyan mo kundi kukutusan talaga kita..” mabilis at may mapamatay na tingin kong sabi sa kanya. Habang ang katabi kong ala-detective ay nag eenjoy lang sa panonood sa amin.

“Pasensya na po Ma’am..”

“Tama na yan.” May malokong ngiting saway ni Lemuel. “May nakuha ba kayo? Sa room 106? Gamit, bag, cellphone?” seryoso muling tanong nya.

May chineck na kung ano ano yung crew bago sya nagsalita.

“Ah opo mero nga,” sabi nya ng makita siguro sa record na yun na may naiwan nga kami..”Pero Ma’am, hindi po ba room 109 kayo? Lumipat kayo?”

“bakit ba 109 ka ng 109? 106 nga kami. Dinalhan mo kami ng drinks di ba? Ikaw yun di ba? 106 yung room namin. Adik ka ba?” naiinis ko ng tanong. Ang layo naman ng 106 sa 109 ano bang pinagsasasabi neto.

“Hala.”Mukhang nagulat yung crew matapos ang ilang minutong pag digest sa sinabi ko.

“Bakit? Anong problema?” tanong ni Lemuel.

Mabagal na nagpabalik balik ang tingin ng crew sa akin at kay Lemuel. Nakakunot noo sya at parang may hindi maintindihan. Lumabas sya sa counter—habang sinusundan lang naman namin ng tingin ang mga gagawin nya—lumapit sya sa amin, at ikinabigla namin ang bigla nyang pagluhod.

“Hoy, anong ginagawa mo?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Ma’am Pasensya na, Sir pasensya na” pabalik balik ang tingin nya sa akin at kay Lemuel habang nagdadasal at kinikiskis pa nya sa isa’t isa ang palad nya. “Nagkamali po ako ng nabigyan nung mga cocktail. Naibigay ko po yun sa room nyo..Pasensya na po..”

“Ano naman ngayon kung nagkamali ka ng nabigyan? Ano bang meron sa cocktail na yun?” nagtatakang tanong ko. Cocktail lang, luhod agad?

“M-may..M-may..” mukha na syang iiyak.

“may ano?” tanong ni Lemuel.

“M-may ano po yun…”

“Bilisan mo na, wag mo na bitinin, ano ngang meron?” sabay batok ko sa kanya ng malakas. Masisisi nyo ba ako kung kating kati ng ang kamay ko kanina pa mambatok? Buti nga..

“M-may drugs po kasi yung cocktail..”

 At ikinagulat namin pareho ni Lemuel ang sinabi nya. Nanlambot ako at parang nawalan ng lakas. Napasandal naman si Lemuel sa kinauupuan nya at hindi rin makapaniwala.

A One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon