One Night 32: Wicked Smile.

8.8K 177 4
                                    

Third Person.

“Anong sabi mo? Gago ka ba?” mula sa pinto ng unit ni Lemuel ay pumasok si Sophie. Nagulat ito sa mga narinig nyang kinwento ni Zar.

“Sophie, anong ginagawa mo dito?” nakakunot noo namang tanong ni Lemuel.

Napapailing lang si Zar. Malungkot. Heartbroken. Naguguluhan.

“Bakit? Bawal na ba ako dito?” maangas nyang tanong sabay baba ng mga plastic na hawak hawak nya. Diretso na ring umupo sa sofa nI Lemuel sa sala, katabi si Lemeul habang katapat naman si Zar. “Tama ba yung narinig ko Lazarus? Sinabi mo yung mga nakakabwiset na salita nay un kay Heath?”

Napakunot ang noo ng dalawang binata sa tanong ni Sophie.

“Ano?” tanong ng dalaga sa reaksyon nilang dalawa.

Gusto kong maging parte ka ng buhay ko. As a summary, yun ang sinabi nitong si Zar. Anong nakakabwiset dun?” nagtatakang tanong ni Lemuel.

“Una Lemuel, napaka korni nun. Pangalawa, napaka gasgas na linya na at Pangatlo, iniisip mo bang kikiligin si Heather kapag sinabihan mo sya ng ganyan? Considering na hindi ka nya asawa, boyfriend o kahit kaibigan. Face the reality, hindi kayo magkaibigan. O, nakakatuwa ba yun? Gosh, mga lalaki kayo. Wala kayong alam sa—O san ka pupunta? Di pa ako tapos magsalita!” bago pa man matawag ni Sophie si Zar ay tumayo na ito at lumabas.

Napapailing lang si Lemuel habang nakatingin kay Sophie.

“Ano?” tanong ni Sophie kay Lemuel dahil sa mga tingin nito sa kanya.

“Ano ka ba! Nabusted na nga yung tao tapos ginanun mo pa. Sya tuloy ang nabwiset sayo.” Nagpipigil pero mahinahon na sabi ni Lemuel.

“Hay nako Lemuel, noon pa man, napakahina na nyang pinsan mo. Weak! Sa totoo lang, ideya lang to eh. Isang malalim na ideya na wala naman akong balak gawin. Pero dahil pinapakitaan ako ng ganyan ng pinsan mo…hmm, tingnan natin.” Saad nito ng may malolokong mga ngiti.

“Anong ibig mo na namang sabihin Sophie? Kung ano ano na naman yang iniisip mo. Wag mo nalang muna lapitan si Zar. At wag mong kausapin.” Tumayo si Lemuel at pumunta sa mga plastic na dala ni Sophie. “Magluluto ka? Tara kain tayo!”

Nilingon sya ni Sophie mula sa kinauupuan nito.

“Nagbago na ang plano ko.” tumayo ito at muling kinuha ang bag nya.

“O san ka pupunta? Akala ko magluluto ka?”

“Kaya mo na yan. May pupuntahan lang ako.” mabilis itong pumunta sa pinto at isinuot ang kanyang red heels.

“San ka pupunta?”

“Kila Heather!” pasigaw na sagot ni Sophie bago tuluyang bumaba ng building.

Calling…

“Hello?” pagsagot sa telepono ng tinawagan ni Sophie.

“Hey American Boy! San ka? Di ba may ipapagawa ka sakin?”

“Sophia?”

“Sophie nalang! To naman! San ka?”

“In my office. I’ll text you the address.” Natatawang sagot ni Carlo.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now