One Night 48: When the bestfriend moves.

8K 162 1
                                    

Heather Stewart.

“Kinakabahan ako tuwing nandyan sya. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag lumalapit sya sa akin. Tapos…tapos...napapangiti ako kapag…kapag nagkakatinginan kami tsaka parang…parang may nararamdaman akong…” bumuntong hininga ako ng hindi ko mahigit ang salitang gusto kong sabihin. “Waaahh!! Sophie! Ano ba tong nararamdaman ko?” tanong ko na sa nakapalumbabang Sophie na nasa harap ko.

Pinansingkitan ako ng mata ni Sophie sabay mahinang hikab. Boring ba tong kwento ko sa kanya? Hindi naman ah!

“Sophie! Ano na? Kaya nga ikaw ang tinatanong ko about dito kasi ikaw yung expert.”dagdag ko pa habang niyuyugyog ang mesa.

Humigop pa muna si Sophie ng shake nya bago nagsalita. “Alam mo Heath…para kang baliw! Obvious naman na in love ka na kay Zar” sagot nya in a boring tone.

Agad akong napa gasp sa sinabi nya.

“Sa tingin mo? Hala! Hindi ah!” tanggi ko pa ng may mabilis na pag iling.

No. Hala! Hindi ako in love na naman kay Zar. Na naman? Ano ba! Hindi naman ako na in love sa kanya ah. O hindi nga ba? Ang gulo naman!

“Hindi ka lang baliw. Over reacting ka pa.”

“Hindi ah!” mabilis kong tanggi. “Kailangan ko lang ng konting…enlightenment.” Sagot ko ng mahigit ko ang dapat na pananalita.

Bumuntong hiningang muli si Sophie. “Ano bang klaseng “enlightenment” yang gusto mo?” tanong nya ng may kasamang roll eyes. “Napaka obvious naman tapos nagtatanong ka pa ng “advices”, di naman na kailangan.” Dagdag pa nya.

Hindi ko mapigilang mapa roll eyes din sa kanya.

“Ikaw ba, kaibigan pa ba talaga kita o matagal ng hindi? Ayaw mo naman ako tulungan eh!” reklamo ko sa kanya na parang bata.

Tumingin sya sa akin ng may paniningkit na mga mata.

“Gusto mo ba talagang tulungan kita jan sa hindi mo maintindihang nararamdaman mo?” tanong nya in a challenging tone.

Nag aalangan man dahil hindi ko talaga alam kung reliable ba sya na tanungin, mabagal pa rin akong tumango sa kanya. Kung tutuusin, matagal tagal na rin sila ni Lemuel, siguradong may pagka expert na tong babaeng to.

“Oo.” Sagot ko ng pabulong.

Mula sa gilid ay binuksan nya ang dark blue nyang bag. Mula doon, isang sobre ang inilabas nya. Napakunot noo ako ng iabot nya yun sa akin.

“Ano naman to?” tanong ko kasabay ng pagkuha ko sa sobre at pag scan dito.

“Flight tickets papuntang Cebu.”

“Cebu?” agad kong naitanong. “Bakit mo naman ako binibigyan ng flight tickets papuntang Cebu?”

“Eh Di ba gusto mo ng tinatawag mong “enlightenment”,” ginesture nya pa ang kamay nya na parang kinuquote nya ito. “Oh edi pumunta kayo jang tatlo nina Zar at nung anak mo. Para magkaron naman kayo ng time together at para ma clear mo yang nararamdaman mo. Pero pang dalawang tao lang yan ah, ikuha mo nalang ng ticket yung anak mo.” Pagpapaliwanag nya.

Ilang segundo ko pa munang pabalik balik na tinignan si Sophie at ang sobre na binigay nya.

Kailangan ba ng “time together” kapag kailangan ng enlightenment sa mga feelings? Kailangan ba talaga nun? Ayoko! Natatakot ako na….na….maging mag isa kasama si Zar. Anong gagawin ko?

A One Night LoveWhere stories live. Discover now