seis

951 69 23
                                    

warning: typos and grammar errors ahead.

***

celoah's pov

"Celoah, pupunta kang cafeteria? Sabay na tayo." nag-angat ako ng mukha kay Cloud at umiling. Parehas kami ng kurso at kablockmate ko sya. Lahat ng subjects namin parehas.

"Ah, sa labas daw kasi kami kakain ni Cero eh. Mauna ka na lang Cloud. Hihintayin ko pa sya dito." ani ko at nginitian sya.

"Ganon ba. Samahan nalang muna kita dito." muli akong umiling.

"Nako, wag na Cloud. Magutom ka pa pag sinamahan mo pa ako dito. Darating din naman yon si Cero ilang saglit lang." sinipat ko yong aking relos. On time naman dumating 'yong baklang usang yon. Kaya ko kailangang maghihintay ng matagal sa kanya.

"Nuh! sige na. Di pa naman ako nagugutom. Samahan na muna kita dito." giit nya sabay upo sa isang upuan isang distansya mula sa'kin.

"Bahala ka. Kulit mo din eh no." napakamot sya sa kanyang ulo sa sinabi ko.

Habang hinihintay si Cero ay nagkwentuhan kami. Joke sya ng joke na corny naman yong iba pero natatawa pa rin ako.

Sabay kaming napalingon sa may pinto ng makarinig kami ng tikhim. Dumating na ang hinihintay ko. Nginitian ko sya saka ako tumayo.

"Dude." bungad sa kanya ni Cloud. Tinanguan nya ito habang seryosong-seryoso yong anyo.

"Baby, tara na." aniya sa kaswal na tono.

Teka! Ba't parang may pms sya. Mukhang nagsusungit ah.

"Sige, Cloud... una na kami."

"Geh. Ingat sa lakad nyo."

"Asdfghjkl. Tsk." napakunot-noo ako ng marinig kong parang may sinabi si Cero. May pms nga.

Habang naglalakad kami papuntang parkinglot ng university ay wala sya kibo at nakapagtataka iyon.

"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala." malamig nyang tugon.

"Eh napano ka?"

"Wala."

"May problema ba tayo?"

"Wala nga. Ang kulit mo?"

"Eh ba't ganyan ka?"

"Anong ganyan ako?"

Tumigil ako sa paglalakad ng bahagyang tumaas ang boses nya.

"Kumain kang mag-isa mo." inis kong sabi saka ako tumalikod at naglakad pabalik sa dinaanan namin. Agad namuo ang luha sa gilid ng mata ko. Mababaw lang kasi ang luha ko.

Ba't sya ganon? Wala naman akong naalalang ginawang kasalanan sya kanya.

Natigil ako sa paglalakad ng may yumakap sa'kin mula sa likuran. Doon na tuluyang pumatak ang luha ko. Pilit kong tinatanggal ang mga kamay nya sa pagkakayakap sa'kin pero mas hinigpitan nya ito.

"I'm sorry. I'm sorry, baby. I'm sorry."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigil ang paghikbi.

"I hate you."

"No baby, I'm sorry. Don't hate me. Nainis lang kasi ako ng makita kong kasama mo si Cloud at nagtatawanan kayo."

Tinanggal ko ang mga braso nyang nakapulupot sa'kin. Pinahid ko muna ang luha sa pisngi ko bago ko sya hinarap. Napamura pa sya ng makita ang mukha ko.

"Sh*t baby. I'm sorry." hinawakan nya ang mukha ko sa pinahid ng dalawang hinalalaki nya ang bakas ng luha sa pisngi.

"Don't tell me, you were jealous with Cloud?"

Tumingin sya ng deretso sa mata ko. "I was. I admit. I was jealous when I see you two laughing together."

"Gago. Nag-uusap lang kami at nagjojoke sya. Alangan namang iyakan ko ang joke nya. Magmumukha ako siraulo non. Wala kaming ginagawang masama. Napaka-conceited mo."

Sumimangot sya sa sinabi ko.

"Still baby, gusto kong ako lang ang nagpapatawa at nagpapangiti sa'yo."

"Hindi pa rin tama yong inakto mo. Kaibigan mo si Cloud ah, pinagseselosan mo?"

"Yes, he was my friend. And he likes you."

"What? Gosh! Cero. Wag ka ngang ganyan. Walang gusto si Cloud sa'kin."

"Meron. Alam ko at ramdam ko yon dahil lalaki ako. Noon pa man, may gusto na sya sa'yo."

"Cero, noon lang siguro yon. Hindi na ngayon." di ko mapigilang mapalakas ang boses. Nakakainis ang mga sinasabi nya. Ba't ganyan sya mag-isip sa kaibigan nya. Sa kaibigan namin. Pinag-iisipan nya ng di maganda si Cloud.

"He still likes you Celoah. Hanggang ngayon. Hindi ako tanga para di mapansin 'yon." bahagya na ring napalakas ang boses nya.

"I can't believe ganyan ka mag-isip." napailing ako. "Ikaw na lang ang kumain. Nawalan na ako ng gana." inis kong sabi at iniwan sya.

Rinig ko ang pagtawag nya pero di ko na iyon pinansin. Bahala sya sa buhay nya. Hindi ko inakalang ganon kakitid syang mag-isip. Nakakainis.

unexpected [bestfriend sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon