treinta y siete

555 44 12
                                    

cero's pov

"Cero." napalingon agad ako kay Light na humahangos na papalapit sa'kin. Nasa likuran naman nya si Night. Ano namang kailangan nito?

"Bakit?" walang ganang kong tanong. Wala ako sa mood ngayon. Namomroblema ako kay Celoah. Kagabi pa nya ako di kinakausap at di pinapansin. Di ko na alam ang gagawin ko.

"Si Celoah." bumangon agad pag-aalala sa'kin ng banggitin ni ang pangalan nito.

"Bakit? Anong nangyari sa kanya?"

"Uuwi na ng Maynila."

"What?" di ko mapigilang mapabulalas. Dali-dali akong tumayo mula sa aking kinauupuan at mabilis na naglakad papunta sa villa.

Fvck! Now, what have I done? Masisira na ang bakasyon namin. It can't be. Di sya pwedeng umalis. Pagkarating ko sa villa ay deretso akong pumasok at laking gulat ko ng salubungin ako ng pagbati at confetti.

"Happy Birthday, Cero." chorus nilang lahat sabay hiyawan. Tapos ay nagsikantahan sila ng Happy Birthday sabay palakpakan. Nagtataka lang ako. Bakit ang bilis nilang naayos itong villa eh kanina lang wala naman tong mga birthday decoration.  Ibig sabihin niloko lang ako ni Light para bumalik dito sa villa. Kaya pala tanong sila ng tanong kanina kung aalis ba ako.

Ngumiti ako't nagpasalamat. Hinanap sya ng aking mata pero di ko sya makita. Di ko maiwasang malungkot. Sya ang pikamakakapagpasaya sa'kin sa araw na 'to pero wala sya. Talaga yatang matindi yong galit nya. Ngayon lang kami umabot sa ganito na isang araw ng di nag-uusap. At para na akong masisiraan ng ulo. Hindi ko kayang ganito kami. Nakalimutan parang nakalimutan pa nya ang araw na 'to.

"Nasa kwarto pa rin sya. Ayaw lumabas eh." ani Thunder. Ngumiti ako ng pilit. Kahit na ayaw ko ay kelangan kong makisaya sa mga kaibigan ko dahil nag-effort sila sa suprise nila.

"Kain na tayo." sigaw ni Night kaya nagsilapitan na sila sa kanilang nga inihanda.

"Kain na dude." aya sa'kin ni Sky.

"Sige lang. Puntahan ko muna sya." ani ko't umakyat na papunta sa kanyang kwarto. Tatlong beses akong kumatok pero walamg sumagot kaya  pinihit ko ang seradura baka sa kanilang bukas. Di nga nabigo. Bukas ito kaya dahan-dahan kong iniawang ang pinto at sumulip sa loob. I saw her lying on the bed. Mukhang tulog. Di ko nalang muna sya iistorbuhin. Bumalik nalang ako sa mga kaibigan ko pilit na nakisaya sa kanila. Isang sandali ay napatingin ako sa wrist watch ko. May kailangan akong gawin. Sana naman gumana at kausapin na nya ako. Di pwedeng tumagal pa itong sitwasyon namin. Baka matuluyan  na 'ko.

unexpected [bestfriend sequel]Where stories live. Discover now