bonus part - [tres]

818 39 11
                                    

cero's pov

"Baby, wag ka ng malungkot. Ayaw mo ba non, lalaki ang magiging anak natin?"

Kanina ko pa sya inaalo dahil sa nadismaya sya ng malamang lalaki ang magiging baby. Nagpa-ultrasound kasi sya at sinamahan ko.

Masaya ako na lalaki ang magiging baby namin pero di ako tuluyang makapagsaya dahil nalulungkot sya.

"Babae ang gusto ko."

Dismayado talaga sya. Paano ko ba maibabalik ang mood nya?

"Uhm! Gagawa nalang tayo uli pag nanganak ka na." nakangisi kong sabi.

Bigla namang nagbago ang ekspresyon nya at nginitian ako. Akala ko ay okay na at pumapayag sya pero---

"Ouch! Baby." binatukan ba naman ako. Brutal naman ng buntis na 'to.

"Yang kamanyakan mo na naman ang pinaiiral mo. Hah!"

"Baby naman, di naman ako manyak eh. Irristible ka lang talaga."

Akmang babatukan nya ako ulit pero hinuli ko ang kama nya at ikinulong sa mga palad ko. Dinala ko ito sa aking labi at hinalikan.

"Baby, wala na tayong magagawa. Lalaki sya eh. Di na natin mababago iyon. Kailangan nating tanggapin."

"Tanggap ko naman eh. Sinong may sabing hindi. Yong gusto kong bilhin na puppy, gusto ko babae."

"Ano daw? Puppy.

"Baby, puppy?"

"Oo, ayon oh. Para may kasama na si Roah." napatingin ako sa itinuro nya. Isang stuff toy na aso. Katapat kasi ng pinagparking namin ng kotse ay isang toy shop.

Seriously. Akala ko---

Hay! Ang hirap talaga spelingin ng buntis. At babae na asong  stuff toy? Ang kulit din nitong asawa ko. Kelangan pa talagang may gender ang stuff toy.

"Bilhin natin yon, baby. Sige na, please." aniyang nakanguso at nagpuppy eyes pa.

Ano pa nga ba? Di ko sya matanggihan lalo pa't ang cute nya ngayon.

"Sure baby. I'll buy it for you."

Agad sumigla ang mukha nya at laking saya na sa akin ang makita ang malawak nyang ngiti. Simpleng ngiti nya lang ay isa ng malaking kaligayan ko.

Di ko na lang sya pinababa sa kotse. Ako nalang ang nanaog para bilhin yong stuff toy. May nakita din akong spongebod na di naman gaanong malaki kaya binili ko na rin. Pagbalik ko sa sasakyan ay malaking ngiti ang isinalubong nya.

"Wah! Spongebob. Thank you baby. I love you." tuwang-tuwang aniya sabay halik sa'kin sa labi pagkatapos ay niyakap ang dalawang stuff toys. Naks! May reward agad akong kiss. Madalasan nga ang pagbili sa kanya ng mgayan para lagi akong may kiss.

"Baby, anong gusto mong pangalan ng baby natin?"

Biglang naisip kong itanong habang nagmamaneho na 'ko.

Ngayong alam na namin ang gender ay nag-iisip na ako ng magandang pangalan. Pero syempre kaming dalawa dapat ang madecide.

"Mariah Ceanine sana ang ipapangalan ko kung naging babae sya. Pero dahil lalaki, gusto kong isunod sa pangalan mo."

Napangiti naman ako sa kanyang sinabi.

"Cero junior."

"Hindi. Ang pangit ng pangalan mo."

What the--? Ang cool kaya ng pangalan ko.

"Baby naman. Hindi naman pangit ang pangalan ko ah. Tsaka sabi mo, isusunod mo sa pangalan ko."

"Hmp! Isusunod nga. Kasunod ng Cero. Uno. Yon ang gusto ko."

I mentally facepalm. Oo nga naman, sunod ng Cero ay Uno. Ba't di ko naisip yon.

"Hindi ba masyadong maikli, baby."

Sang-ayon naman ako sa gusto nyang pangalan. Pero mas maganda siguro kung may isa pa.

"Uhm! How about Prince Uno?"

Nilingon ko sya saglit at nginitian. Ang talino ng misis ko. Ang daling makaisip.

"Maganda yon, baby. Prince Uno. Tapos susundan agad natin ng Mariah Ceanine."

"Che! Manyak."

Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang pag-irap nya.

"Baby, hindi nga ako manyak. Irristible ka nga kasi."

"Tsk! Whatever."

"I love you too, baby."

unexpected [bestfriend sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon