setienta y dos

582 36 52
                                    

celoah's pov

Parang gustong tumulo ng mga luha ko pero ayaw tumuloy. Gulong-gulo na ako. Para sasabok na ang utak ko sa kakaisip.

Bakit ako pinaglalaruan ng ganito? Bakit ganito syang maglaro? Anong ibig sabihin ng dalawang taon na pinagsamahan namin?

"Celoah!"

"Pupuntahan ko sya Lara. Kailangan ko syang makausap. Kailangan kong malaman mismo mula sa kanya. Masakit at mahirap tanggapin pero di ko na kaya."

Tumayo ako at kinuha ang bag ko at ang mga pictures na pinakita sa'kin ni Lara.

"Sasamahan kita. Kotse ko na lang ang gamitin natin."

Tumango nalang ako bilang tugon. Agad kaming lumabas ng kwarto ko. Naksalubong namin si mama sa living room na may dalang isang tray ng pagkain.

"Celoah, saan kayo pupunta?"

"Uhm! May importante lang kaming gagawin ni Lara, ma."

"Eh, paano tong meryenda nyo?"

"Babalik din kami ma."

Humalik ako sa pisngi nya at nagpaalam na kami. Gamit ang kotse ni Lara ay nagpunta kami sa condo unit ni Cloud. Habang nasa byahe ay ang daming tumatakbo sa isip ko. Paano pag nakumpirma ko mismo?

Nang makarating kami sa condo building di Cloud ay di ko maiwasang kabahan. Habang pasakay nga kami ni Lara sa elevator ay ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Nang nasa tapat na nga kami ng mismong unit ay parang gusto kong umatras at umuwi nalang. Parang di ko kasi kayang tanggapin ang malalaman ko.

Hinayaan kong si Lara na ang magdoorbell. Nasa likod nya lang ako. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto. Si Cloud ang tumambad sa'min na nakaboxer lang. Pero wala akong pakialam kung nakahubad pa sya dyan. Ang kailangan ko ay malaman ang totoo.

Di nakaligtas sa'kin ang gulat sa ekspresyin nya ng makita kami ni Lara.

"A-anong--"

"Cloud sino yan?"

Pero kung nagulat si Cloud ay mas nagulat sya. At agad nyang tinanggal ang pagyakap nya mula sa likuran kay Cloud ng makita ako. At kahit na alam ko na at kailangan nalang naming kumpirmahin ay magulat pa rin ako.

"C-celoah."

"So totoo. Sabihin nyo sa'kin ang totoo." sakit at galit ang parehong nararamdan ko. Wala akong pakialam kung may makarinig sa'kin na nagtataas ng boses dito.

"Celoah, magpapaliwanag ako.  S-sasabihin ko naman talaga sayo kaso---"

Di ko na sya pinatapos magsalita, agad umigkas ang palad ko sa mukha nya.

"MANLOLOKO KA. DALAWANG TAON MO AKONG PINAGLARUAN. DALAWANG TAON KANG NAKUNWARI. PINANIWALA MO AKONG MAHAL NA MAHAL MO 'KO. YON PALA IBA ANG DUGO MO. NAKAKADIRI KA. NAKAKADIRI KAYO. ANG SAGWA NYO. MGA BAKLA. MGA HAYOP KAYO."

Muling ko syang sinampal ng malakas kasabay ng walang tigil na pagtulo ng luha ko.

"Napakawalangya mo't ginawa mo sa'kin 'to. Wala kang konsesya. Nakakadiri ka, CERO. Magsama kayong dalawa sa impyerno."

Malakas ko syang itinulak saka ako umalis. Ang sakit. Ang hirap tanggapin. Sa dalawang taon. Ganon ako katagal na nagpaloko. Kahit kelan ay di ko sya mapapatawad sa ginawa nya.

Sa kamamadali kong makalayo sa lugar ay may nabangga ako. Bwisit na buhay 'to.

"Miss, pasensya na---Celoah?"

Napaangat ako ng mukha marinig ang pamilyar na boses.

"U-umiyak ka na naman."

"Chester."

"Anong-- shhh!" bahagya akong nagulat ng bigla nya akong niyakap. Mas lalo akong napahagulhol ng iyak.

I need someone to lean on at nagkataong sya ang nandito.

"Naka-tadhana yatang ako laging ang magpapatahan sayo. Please stop crying. Nasasaktan ako."

Natigilan ako ng biglang pumitik yong puso ko sa sinabi nya. Pero di ko pinansin yon dahil mas nananaig ang sakit na nararamdaman ko. At pakiramdam ko ay literal na sumasakit din ang puso ko.

"Tahan na Celoah. Tahan na."

Ramdam ko ang paghaplos nya sa likod ko. Napakagat labi ang ng sudmidhi ang sakit. Napasapo ako sa aking dibdib.

"Celoah? Celoah, anong nangyayari sayo?"

"Chester, ahh---"

"CELOAH!"

Huling kong narinig ang boses nyang sinisigaw ang pangalan at boses ng isang babae bago tuluyang nagdilim ang aking paningin.

---

an: sorry guys, nauso kasi ang bromance. haha! expect the unexpected. hua!

unexpected [bestfriend sequel]Where stories live. Discover now