bonus part - [dos]

672 43 8
                                    

celoah's pov

"Baby, ano bang ginagawa mo? Kanina ka pa nagsi-scroll dyan sa phone mo."

"May hinahanap ako."

"Ano?" tumabi sya sa'kin at sumilip sa phone ko.

"Hmm! Yong sa panaginip ko. Si Chester. Chester---" napaisip ako saglit. Ano nga ng apelyido non? Try ko lang namang na hanapin sa fb, baka nag-i-exist talaga sya.

"Baby naman, bakit kailangan mo pa syang hanapin. Baby ah, nagseselos na ako sa taong panaginip mo na yan."

Nilingon ko sya at kita kong iritado nga ang mukha. Pagkatapos ay tumayo sya at umalis. Pumunta sa kwarto namin.

Napailing naman ako. Hay! nako, ang napakaseloso kong mister. Inexit ko ang fb ko at nilagay ang phone sa mesa saka ako sumunod kay Cero.

Pagpasok ko ay nakita kong nakahiga sya sa kama patagilid.

"Mr. Han. Nagtatampo ka?"

Hindi sya umimik. Kita ko pang pikit na pikit yong mata nya.

"Baby, wag ka ng magtampo. Sinusubukan ko lang naman kung nag-i-exist ba talaga sya. Curious lang naman ako. Sige na oh. Kausapin mo na ako."

Todo paawa na ang boses ko pero di nya pa rin ako pinansin. Hala sya! Talagang nagpapasuyo.

"Cero naman." niyugyog ko ang balikat nya pero talagang nagmamatigas.

"Ayaw mo ah. Ayaw mo talaga akong pansinin. Sige, bahala ka sa buhay mo. Lalayas na 'ko."

Umalis ako sa kama at lumapit sa walkin closet. Pero bago ko pa makuha ang bag para lagyan ng damit ang naramdaman ko na ang pagyakap nya sa'kin mula sa likod.

"Baby, sorry na. Baby naman kasi, di ko naman maiwasang magselos. Ayaw kong may iba kang iniisip. Gusto ko ako lang at ang baby natin. Gusto ko akin lang ang atensyon mo. Ayaw ko ng may kahati. Paano na lang kung totoong tao nga yong nasa panaginip mo at makilala mo sya? Ayaw kong may umagaw sayo sa'kin. Di ko sya bubuhayin. Baby, bati na tayo. Tinatakot mo na naman ako eh. Sorry na."

Humarap ako sa kanya at mataman syang tinitigan.

"Sorry na din. Di ko na sya hahanapin. Curious lang naman talaga ako. Tsaka di naman talaga ako aalis. Tinatakot lang kita. Ayaw mo kasi akong kausapin."

Hindi na kailangang palalain ang lahat kung pwede namang maayos agad. Tsaka, kasalanan ko din naman. Bakit ko pa nga ba kailangan hanapin yong lalaki sa panaginip ko? Di naman na sya mahalaga.

"Okay na tayo, baby."

"Uhm-o." ani ko at nginitian sya.

"Thank you baby." sabi nya at kinintalan ako ng halik sa labi.

Napaikot nalang ako ng mata saka nangiti.

Everything always end up with a kiss. Wala pa ring ipinagbago yon. Addict kasi si Cero Han. Addict sya sa'kin. Dyosa kasi ako. Ang umangal, ipapahunting ko sa asawa ko. Tsk.

unexpected [bestfriend sequel]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin