cincuenta y uno

507 44 15
                                    

celoah's pov

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Mataman kong sinuri ang kanyang buong mukha. Mukhang ok na sya. Ang problema lang talaga ay wala syang maalala.

"Ok na." tugon nya habang nakatingin sa'kin ng deretso pero walang emosyon. Bakit ganon?

Ngumiti ako ng pilit para di nya mahalatang nalulungkot ako.

"Gusto mong kumain? I brought you some fresh fruits. Meron ding pinadala si mama na paborito mong beef steak." pilit kong pinasigla ang aking boses. Kahit ang totoo ay nahihirapan ako. Gusto kong maging normal lang sa kanya pero sa nakikita ko ngayon sa kanya ay di ko magawa. Para kasing isang estranghero ako sa paningin nya.

Nadismaya ako ng umiling sya. At di ko alam kung bakit napaka-emosyonal ko na dahil pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako.

"Marami namang prutas dito, di ka na sana nag-abala. Kakain ko lang din. My mom cook also some beef steaks."

Bahagya akong tumango at nag-iwas ng tingin.

"If you won't mind, gusto ko na sanang magpahinga."

Napakagat labi ako. Di ko maiwasang di masaktan. Pakiramdam ko ay parang tinataboy nya ako. Isang bagay na siguradong-sigurado akong di nya gagawin nong di pa nawala ang ala-ala nya.

"Sige.Pasensya na. I'll be going. Take a good rest." ani ko saka ako tumayo mula sa aking kinauupuan malapit sa kanya. Kinuha ko ang sling bag ko saka ako nagtungo sa pinto. Bago ako lumabas ay nilingon ko sya at alangang nginitian. Tinanguan nya lang ako.

Pakalabas na pagkalabas ko ng kwarto nya ay agad na nagsipatakan ang luha ko. Dali-dali akong naglakad palabas ng hospital at tinungo ang aking kotse. Nagdrive ako papunta sa park kung saan una kaming nagkakilala noong elementary palamg kami. Kung saan nya ako pinagtanggol sa mga nambully sa'kin. Pagkarating ko ay doon ko ibinuhos ang laat mg sakit na nararamdan ko.

Bakit ganon sya? Naiintindihan ko naman amg kalagayan nya pero bakit ganito ang pinaparamdam nya sa'kin? Alam ko namang di nya sinasadya pero bakit nya ako sinasaktan ng ganito? Why do he makes me feel so unwanted? Akala ko ba ang utak lang lang nakakalimot? Bakit pati ang puso nya?

"Bakit nya ginagawa sa'kin to?" pagkausap ko sa sarili ko. "Bakit Cero?"

Napaangat ako ng mukha ng may panyong sumulpot sa harap ko. Kahit nanlalabo ang aking mata dahil sa luha ay nakilala ko kung sino sya. Gamit ang aking kamay ay pinahid ko ang aking mata.

"I don't need that. Please stay away." bahagya akong tumalikod sa kanya.

Bakit ba bigla syang sumusulpot? Bakit nandito din sya? Baka naman stalker sya?

"Malinis naman 'to. Hindi pa nagagamit. Walang virus. Kaya sige na, tanggapin mo."

Muli akong bumaling sa kanya at matalim stang tiningnan. Alin ba sa sinabi ko ang di nya maintindihan? Gusto ko lang na umalis sya at di ko kailangan ang panyo nya dahil gusto kong mapag-isa.

"Pasensya na kung makulit ako. Hindi ko lang kasi gusto na may nakikita akong babaeng umiiyak."

Tss! Gasgas na ang linyang yan. Yan naman lagi ang sinasabi ng mga lalaki pero sila din naman ang dahilan kung bakit umiiyak ang mga babae.

Hinayaan ko na lang sya at di pinansin.

"Paupo ah."

Ramdam ko ang pag-upo nya bench na kinauupan ko.

"Hindi sa nangingialam ako, pero yong Cero ba na binanggit mo kanina ay yong boyfriend mo na nagpropose sayo doon sa resort?"

Marahas akong bumaling sa kanya at tinaliman sya ng tingin.

Narinig nya ang sinabi ko kanina? At bakit nya alam ang tungkol sa proposal sa resort? Stalker nga talaga sya.

"Pasensya na. Nakita ko kasi yong ginawa nyang proposal sayo."

"Pwede ba, umalis ka na." pagtataboy ko sa kanya. Bwisit. Pakialamero. Ke lalaking tao.

"I told you, makulit ako. Kaya kahit anong gawin mong pagtataboy sa'kin. Di ako aalis. Pero pag sinabi mo sa'kin ang pangalan mo, pagbibigyan kita."

Aish! Kung eskandalosa akong tao ay baka kanina ko pa nabunganga ang lalaking 'to. Nakakadagdag sya ng sakit ng ulo.

"Alam mo minsan, mas mabuting sa di mo kilala sinasabi ang problem mo. Kasi, makakasiguro kang safe kung ano man ang sasabihin mo dahil di naman kayo magkakakilala. Ang ibig kong sabihin, you can tell me your problem. I'm very willing 'to listen. Malay mo makatulong ako."

Tinaasan ko sya ng kilay. Feelingero naman tong lalaking to. Bakit ko sasabihin sa kanya problema ko? At sigurado akong wala naman syang maitutulog. Di naman nya maibabalik ang ala-ala ni Cero pag sinabi ko sa kanya.

Pero kabaliktaran sa iniisip ko ang nangyari. With his simple smile at parang biglang napalagay ang loob ko. Then I ended up pouring my problems on him at mataman nga syang nakinig. After telling him everything ay ramdam kong gumaan ang pakiramdam ko.

Napatingin ako sa wrist watch ko ng may maalala ako. Ngayon pala idi-discharge si Cero. Muntik ko ng makalimutan.

"Ah! I have to go." inayos ko ang pagkakasukbit ng sling bag at dali-daling tumayo at naglakad paalis.

"Teka, nagkausap na tayo pero di mo pa rin sinasabi sa'kin ang pangalan mo."

Natigil naman ako at nilingon sya. Yong aura nya ay parang nagpapaawa na sabihin ko ang pangalan ko.

Tipid ko syang nginitian.

"It's Celoah. Celoah Lim."

Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi nya. "Nice to meet you, finally."

Tumango ako. "Salamat... Chester." ani ko bago ako tuluyang umalis.

I wonder what it was but there is something in him na nakapagpagaan sa loob ko. Baka siguro dahil sa kailangan ko ng malalabasan ng hinanakit ko at nagkataong sya ang nandoon.

It wasn't bad meeting him after all.

unexpected [bestfriend sequel]Where stories live. Discover now