cincuenta y nueve

443 31 10
                                    

9:08 pm

celoah: psst! cloud?

cloud is typing...

cloud: oh! hi celoah.

celoah: magkasama ba kayo ni cero?

cloud: oo. bakit?

celoah: nasaan kayo?

cloud: pauwi na din kami. nagpasama lang sya mall kanina.

celoah: mula kaninang umaga?

cloud: ahh! kaninang umaga nasa tambayan kami. bakit?

celoah: wala. nagpunta kasi ako sa bahay nila at wala sya.

cloud: sabihin ko nalang.

celoah: wag na cloud. tatawagan ko na lang sya. salamat.

cloud: k.

9:24 pm

---

celoah's pov

Naghintay muna ako ng 30 minutes bago ko muling tinawagan si Cero. Para siguradong nasa bahay na sya nila. Nakahinga ako ng maluwag ng unang ring palang ay sumagot sya.

"Hello! Cero?"

[Hmm! Bakit? May kailangan ka?]

"Ahh! kasi, nareceive mo ba yong minessage ko sayo sa chat?"

[Hindi.]

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa walang gana nyang tugon.

"Ganon ba?"

[May kailangan ka pa. Matutulog na kasi ako.]

"Ahh! w-wala na. Sige. Goodnight."

Hinintay kong may sasabihin pa sya pero wala na. Tinapos nya na yong tawag na walang sinabi kahit man lang bye.

Nanlulumong napaupo ako sa gilid ng aking higaan. At ito na naman yong pakiramdam na parang binibiyak ang puso ko. Ang hirap nyang pakitunguhan. Ang hirap makitungo sa isang taong parang di kelangan ang existence mo.

unexpected [bestfriend sequel]Where stories live. Discover now