sesenta

451 33 3
                                    

celoah's pov

Kinabukasan ay maaga akong gumising, naligo at nag-ayos dahil pupuntahan ko si Cero. Pero pagdating ko sa kanila, naabutan ko syang paalis.

"Cero." tawag pansin ko sa kanya na papasakay na ng kotse nya. Tiningnan nya lang ako na walang kaekspre-ekspresyon sa mukha.

"May kailangan ka?" malamig nyang tanong.

Parang biglang umatras ang dila ko sa asta nya.

"Uhm! May lakad ka?"

"Yeah!"

Kung siguro di lang sa kalagayan nya ay ang sarap ng ipamukha sa kanya ang sakit na pinaparamdam nya sa'kin sa kanyang pakikitungo.

"S-saan ka pupunta?"

"May lakad kami ni Cloud. If you don't mind, I'm in a hurry."

Kagat-labing tumango ako at tumabi. Sumakay naman sya sa kotse nya at pinaandar iyon ng di man lang nagpaalam sa'kin. Bagsak ang balikat na naiwan ako. Pinikit ko ang aking mata para di mapaiyak. I can't take this anymore. Sobra na. Sa ayaw nya't sa gusto ay kailangang makapag-usap kami. Hindi yong laging ganito na para akong nangangapa lagi ng dahilan kung bakit kelangan nya akong tratuhin ng ganito. Hindi naman siguro sapat na rason na dahil lang sa di nya ako maalala. Tanginang rason yan.

Umuwi ako sa bahay namin at kinuha ang susi ng kotse ko. Kailangan kong malaman kung nasaan sya. Kailangan kong malaman kung ano ang pinagkakaabalahan nya na ni sumagot sa tawag ko ay di nya magawa. Si Cloud na lang ang tatanungin ko kung nasaan sila.

Di ko alam pero medyo naghihinala ako. Sana naman mali ang hinala ko. Sana hindi. Dahil kong ganon, di ko alam kung kakayanin ko. Baka ikamatay ko.

unexpected [bestfriend sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon