cincuenta y ocho

460 33 12
                                    

celoah's pov

Kanina ko pa paulit-ulit tinitingnan ang oras sa cellphone ko. Alas singko na ng hapon. Kanina pa akong 2:30 dito sa park at walang Cero'ng dumating.

Napatingala ako ng uminit ang gilid ng mata ko. Mababaw lang talaga ang luha ko kaya madali akong umiyak. Mahigit dalawang oras akong naghintay pero di sya dumating. Di ba nya nabasa ang chinat ko sa kanya? Ako kayang ginagawa nya ngayon?

Yumuko ako at kinuha ang aking panyo sa aking bag. Di ko na talaga maintindihan itong nangyayari sa kanya ngayon. Ibang-iba sa Cero na kilala ko. Yong kilala kong Cero ay di magagawang balewalain ako.

Pupuntahan ko nalang sya sa kanila. Sana naman harapin nya ako.

"Alam mo, sa tuwing nakikita kita. Umiiyak ka."  na-angat ako ng mukha sa nagsalita.

"Chester."

Ba't nandito na naman sya?

"Hi!" nakangiting bati nya. Bahagya akong tumango bilang tugon saka ako tumayo.

"Mauna na ako sayo. May pupuntahan kasi ako." ayaw ko namang maing bastos sa kanya na bigla-bigla nalang aalis na di nagpapaalam.

"Ganon ba. Sayang."

Nangunot ang noo ko sa tinuran nya. "Anong sayang?"

"Ah ano, iimbitahan sana kitang kumain kaso aalis ka na pala. Siguro next time na lang." halata sa mukha nya ang pagkadismaya. Bakit naman?

"Uhm! siguro. Sige ah." ani ko't naglakad pero napahinto ako ng tinawag nya 'ko.

"Celoah."

"Bakit?"

"Ah wala. Sige, paalam."

Ang weird nya. Binigyan ko sya ng tipid na ngiti saka ako tuluyang umalis. Dumeretso ako sa aming bahay at iniwan ang kotse ko. Naglakad nalang ako papunta kina Cero.

Agad akong pinapasok ng guard ng makita nya ako. Nang makita ako ng isang kasambahay nila ay lumapit ito sa'kin at bumati.

"Good evening po Miss Celoah. Uhm! si Sir Cero po ba ang sadya nyo?"

Ngumiti ako at marahang tumango.

"Eh, wala po sya eh. Umalis. Kasama ang kaibigan nyong si Cloud."

"Umalis? Kanina pa ba?"

"Opo. Umaga pa lang po. Di po ba nagpaalam sa inyo?"

Dismayadong umiling ako.

"Ah, pumasok po muna kayo. Ipaghahanda ko po kayo ng makakain."

"Ahh! Wag na. Salamat nalang. Pakisabi nalang kina Tita dumaan ako. Sige, aalis na 'ko." ani ko.

Inihatid nya pa ako sa may gate. Walang ganang naglakad ako pabalik sa aming bahay. Dinukot ko ang phone ko mula sa bulsa ng blazers ko at dinial ang number nya. Ring lang ng ring. Nakailang dial ako pero di sya sumasagot. Hanggang sa nag-out of coverage area na. Where could he be?

Dati, kung may lakad syang di ako kasama, pinapaalam nya sa'kin. Ngayon, di ko na alam kong ano ang mga ginagawa nya. Parang ang layo na nya sa'kin. Paano ko maibabalik ang dati?

Kelan sya nakakaalala? Kelan nya ano maalala?

unexpected [bestfriend sequel]Where stories live. Discover now