treinta y tres

610 50 28
                                    

celoah's pov

"O, ba't nakabusangot ka Oah?" mas lalong akong napasimangot ng tanungin ako ni Nica.

"Nakita mo ba si Cero, eommie?"

"Huh? Hindi. Nasaan ba sya?" mapairap ako sa kawalan sa tanong nya. Shunga din tong si Nica minsan. Nagtatanong nga ako kung nakita ba nya, binalik naman sa'kin ang tanong ko.

"Nica, bibigyan kitang piso para makabili ka ng kausap." see, kahit si Lara alam na shunga sya. "Nakita ko sya kanina papunta doon sa labas may kausap sa phone nya Celoa. Tapos umalis, di ko na alam kung saan nagpunta."

Kimi akong ngumiti at tumango kay Lara saka ako nagpaalam sa kanila.

Nakasalubong ko pa sina Cassy, Camille at Shan ng papalabas ako ng villa kaya tinanong ko sila kung nakita ba nila si Cero kaso hindi daw. Papadilim na at kanina ko pa sya hinahanap. Di ko naman makontak. Nakakainis na sya.

Para mawala ang aking inis ay pumunta nalang ako sa may tabing dagat at naglakad-lakad. Di ko namalayan na malayo-malayo na din pala ang narating ko. Lumingon ako sa pinanggaling ko pero laling gulat ko ng isang lalaki ang tumambad sa'kin.

Sa hula ko ay kasing-edad ko lang sya. At di ko maiwasang mamangha dahil, jusme... ang gwapo nya. Matangkad sya at maputi. Bakat ang mamasel nyang katawan sa suot nyang fitted na white shirt. Para syang modelo. Saang lupalop galing ang lalaking to at ano ang ginawa nya dito?

"I know I'm handsome. Di mo na kailangang masyadong ipahalata." mas napaawang ang aking.

Binabawi ko na ang lahat ng aking sinabi. Ang pangit nya ang yabang pa. Wala sya kumpara kay Cero. Inirapan ko sya saka ako naglakad para bumalik na sa villa.

Speaking of that hinayupak na Cero. Patay sya sa'kin.

"Miss, joke lang yon. Wag ka munang umalis. Ako pala si Chester. Chester Tan. Anong pangalan mo?"

Napairap ako sa kawalan at di na sya pinansin.

"Miss sungit na maganda, makikilala rin kita. Itataga ko yan sa bato."

Tsk! As if I care. Wala akong pake sa kagaya nyang hambog.

Pagpasok ko sa loob ng villa ay naroon na ang hinayupak na Cero.

"Baby, saan ka galing? I've been looking for you." aniya't sinalubong ako. Hahawakan nya sana ako pero agad akong umiwas.

Sya pang may ganang tanungin ako kung saan ako galing. Eh sya nga itong kanina pa nawawala.

"Baby." bakas sa mukha nya ang pagtataka. Tss! Nagtataka pa sya. Binigyan ko sya ng matalim na tingin saka ko sya nilampasan.

"Baby." tuloy-tuloy lang ako naglakad at umakyat sa hagdan papunta sa kwartong gamit ko.

"Patay ka, dude. Kanina ka pa nya hinahanap." dinig ko pang ani Sky sa kanya. Tss! Patay talaga sya. Bahala sya sa buhay nya. Maghanap sya ng matutulugan nya.

*

Kim Myungsoo as Chester Tan

unexpected [bestfriend sequel]Where stories live. Discover now