cuarenta y siete

560 41 27
                                    

celoah's pov

Pinahid ko ang luhang naglandas sa pisngi ko. Kahit na nasiguro ng umu-okey na ang kalagayan ni Cero ay di ko pa rin maiwasang sobrang malungkot. It's been 5 days ng when that incident happen. 5 days...

5 days na sana ay kasal na kami. Pero hindi. Hindi natuloy. Fate played with us. Sana ay masaya kami ngayon pero heto ako't hinhintay na magising sya. Akala ko yon na ang magiging pinakamasayang araw ng buhay ko but it turns out the worst day.

Bakit nangyari yon? Bakit nandito sya ngayon nakahiga at di ko alam kung kelan sya gigising? Bakit ang sakit? Ang sakit na nakikita sya sa kalagayan nya. Ang sakit-sakit. Sana ako nalang.

"Baby, wake up." mahinang sabi ko. Hinawakan ko ang kamay nya at dinama sa mukha ko. "Cero, wag mo kong iiwan. Magpapakasal pa tayo eh. Pero bakit ka nandito? Sinasabi mo pa sa'kin na wag kitang indyanin. Pero ikaw yong di dumating. Cero, please gumising ka na. Ok lang kahit na di na natuloy ang kasal natin basta ok ka na. Baby, please. Ang sakit eh. Ang sakit na nakikitang nandito ka."

Pinahid kong muli ang luha sa pisngi ko ng makarinig ako ng katok. Kasunod ay ang pagpasok ng mga kaibigan namin. Ako lang ang tao dito kasi umuwi muna ang mama at papa ko pati ang mga magulang ni Cero. Ngayong nandito sila ay may makakasama na ako.

"Kamusta sya." ani Thunder.

Pilit akong ngumiti.

"Ganon pa rin." malungkot kong sabi.

"Let's not lose hope, Celoah. Gigising din sya. Magtiwala lang tayo. Magtiwala ka lang. Just like what he did noon sayo. He never lose hope. And he never stop waiting for you. We know hindi kannya iiwan. Hindi-hindi nya gagawin yon."

Marahan akong tumango sa pahayag ni Light. May katinuan din pala sa katawan ang loko-lokong to. Bumaling ako kay Cero at pinakatitigan sya.

"Kailan ka gigising mahal ko. Kahit kailan, maghihintay ako. Basta gumising ka lang." sabi ko sa isipan.

"Oah, kumain ka muna." aya ni Nica sa'kin.

"Mamaya nalang."

"Celoah, hindi natutuwa si Cero pag ganyan ka. Alam mo naman yon." turan ni Camille.

"Kakain ako Camille, pero maya-maya na. Promise, kakain ako."

Kumain nalang sila at di na ako pinilit pa. Nakatingin lang ako sa kanya nababakasakali na baka gumising na sya. Bawat sandali ay umaasa ako. Oras-oras, minu-minuto. Kaya ayaw kong umalis sa tabi nya kasi gusto ko ako ang unang makita nya paggising nya.

Nilalaro-laro ko ang kamay nya ng bigla itong gumalaw ng kusa. Ramdam ko ang biglang pagpitik ng puso ko. At ng muli itong gumalaw ay nasambit ko ng malakas ang pangalan nya.

"What happen Celoah?" takang tanong ni Night saby nasilapitan sila sa'kin.

"Gumalaw sya." di nakapaniwalang ani ko. Lahat kami nakatingin ngayon kay Cero.

Muling gumalaw ang kamay nya na ikinatuwa ko. Agad silang tumawag ng doctor.

"Gising na sya." natutuwang sambit ko.

Napatingin ako sa kanyang mukha. At mas nagdagdagan ang tuwa at excitement ko ng gumalaw-galaw ang talukap ng kanyang mata. Napayakap ako kay Nica na syang malapit sa'kin.

"Gising na sya." ani ko.

"Oo, dininig na ang dasal natin. Sabi na kasi sayo."

Kumawala ako ng yakap kay Nica at inabot ang kamay ni Cero.

"Baby, gising."

Di maipaliwag ang excitement na aking nararamdaman sa sandaling ito. At umapaw ang tuwa ko ng tuluyang nagdilat sya ng mata. Agad kong syang nayakap ng mahigpit.

Di ko maiwasang maiyak sa tuwa.

"Gising ka na. Cero, gising ka na."

"Welcome back to life, dude." dinig kong ani Light.

Pero napakalas ako ng yakap sa kanya ng magsalita sya.

"Nasaan ako?"

"Dude, nasa impyerno ka na." tumatawang ani Light. Sabay syang binatukan nina Camille at Cassy.

Ang ikinatigil ko at ikinalayo sa kanya ay ang sunod nyang sinabi.

"Sino ka? Sino kayo?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Ano to? Biro na naman ba to? Nagbibiro ba sya? Pwes, hindi nakakatuwa ang biro nya.

unexpected [bestfriend sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon