treinta

638 49 9
                                    


celoah's pov

"Baby, say ah." pinangunutan ko ng noo si Cero ng itapat nya sa bibig ko ang isang strawberry. "Sige na baby, ah."

I open my mouth para kainin ang strawberry pero iniwas nya agad ito at ang nguso nya ang lumapat sa labi ko.

Jusme! may lahi ding ninja tong lalaking to. "Sira ka talaga."

"Bakit baby, mas masarap naman ang kiss ko kaysa sa strawberry ah." inirapan ko sya pero nginisihan nya lang ako.

"Ang cute-cute mo pag umiirap ka, baby. Mas lalo tuloy akong naiinlove sayo." naramdaman kong agad uminit ang aking pisngi sa sinabi nya.

"Wag mo kong inuuto Cero." ani ko at nag-iwas ng tingin.

"Baby, you're blushing."

"Hindi ah." tanggi ko. Tumalikod ako sa kanya.

"Weh. Ba't ka nakatalikod sa'kin? Humarap ka nga." pilit nya akong inihaharap sa kanya.

"Aish! ayoko nga."

"Baby, admit it. You're blushing. Kinikilig ka noh."

"No."

"Yes."

"No."

"Yes."

"No."

"No?"

"Oo."

Niyapos nya ako mula sa likod.

"Umamin ka rin. Haha. Baby, di mo naman dapat ikahiya na kinikilig ka. Natutuwa nga ako pag napapakilig kita." ipinatong nya ang mukha nya sa aking balikat. Hindi ako umimik at hinayaan nalang sya.

"Baby, I have something to tell you." bahagya ko syang nilingon at tiningnan ang kanyang mukha. Seryoso ang kanyang anyo habang nakatitig sa'kin.

"Ano yon?"

"Baby, what if---"

"Hoy! halina kayong dalawa't kakain na tayo. Lagi nalang kayong nagsosolo ah. Mamaya nyan, bago tayo makauwi may inaanak na kami."

Aba't gago talaga tong Light na 'to.

"Gago mo, Light. Epal ka."

"Syempre dahil gwapo ako."

"Ulol!"

Binelatan sya ni Light.

"Baby, tara na." tumayo sya at inilahad ang kanyang kamay sa'kin.

Kahit na gusto ko pang malaman ang dapat na sasabihin nya ay tinanggap ko nalang ang kamay nya at tumayo na din dahil nakakaramdam na din ako ng gutom. Tatanungin ko na lang sya next time kung ano iyon.

unexpected [bestfriend sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon