sesenta y tres

499 30 34
                                    

celoah's pov

Nahahapong napaupo ako. Pagod na ako sa kakasunod namin ni Lara kina Cero at Cloud. Nagmukha kaming stalker na dalawa.

Kanina ay sa bowling gym namin sila nakita. Yon ang tinutukoy ni Lara na laging pinupuntahan ni Cloud. Nahilig na din pala si Cero sa ganong laro wala man lang akong alam. Mukhang ang dami na nyang ginagawa na di ko alam.

Wala naman kaming nakitang kakaiba ni Lara. Wala kaming nakitang babaeng umaaligid. Sila lang dalawa ang magkasamang gumagala. Tapos nagpunta sila sa family company nina Cloud.

Haist! Nakakapagod pala ang mangstalk.

"Here, kumain na tayo. Napagod at nagutom ako." inilapag ni Lara ng isang tray na naglalaman ng mga inorder nyang pagkain. Nandito kami sa kfc dahil di na daw nya matiis ang gutom. Nakonsensya tuloy ako na dinamay ko pa sya sa pagsunod ko kay Cero.

"Pasensya na ah. Nadamay pa kita. Pasensya talaga."

"Ano ka ba? Wala yon. Para namang di tayo magkaibigan nyan. Masaya akong matulungan ka. Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon nyo ni Cero at kaunti tulong lang tong ginagawa ko." binigyan ko sya ng sinserong ngiti. Pasalamat pa rin talaga ako at may mga kaibigan akong handang dumamay sa'kin. "Kumain ka na. Alam mo, haggard ka na oh. Mukhang kulang ka sa kajn at tulog. Nako, nakakabawas sa kadyosahan yan. Sige ka, baka maghanap ng iba si Cero nyan."

Nalukot naman ako mukha ko sa kanyang tinuran.

"Joke lang. Binibiro lang kita. Hindi yon maghahanap ng iba. Nasayo na ang lahat. Ang swerte nga nya."

Pilit akong ngumiti. Wala akong pakialam sa kung ano ang meron ako kung wala naman sa'kin si Cero.

"Sige na, kumain ka na." aniya.

Kahit na wala akong gana ay pinilit ko ang aking sarili na kumain. Sobra na akong nalilito sa mga nangyayari sa'kin ngayon. Di ko na alam kung tama pa ba ang lahat o hindi. Hindi ko inaasahan na darating ang puntong ito sa buhay namin. Sa buhay ko. Akala ko, okay na ang lahat. Magiging maayo ang takbo ng lahat. Hindi pala.

Hindi ko alam kung kaya ko pa bang maging matatag.

Isusubo ko na sana ang isang piraso ng fries ng biglang nanikip ang dibdib ko. Napakagat labi ako at napapikit.

"Celoah, ayos ka lang?"

"Huh? Ah, oo. Ayos lang ako." pilit akong umayos para di mag-alala si Lara.

Ano to? Ano na naman itong nangyayari sa'kin. Akala ko okay na ako. Bakit parang bumalik yong sakit ko? Please wag naman sana.

Wag ngayon.

"Celoah?"

Napaangat ako ng mukha ng may tumawag sa'kin. At bahagya kong ikinagulat ng masino ang tumawag.

"Chester." isang ngiti ang sumilay sa labi nya.

Napakunot-noo naman ako. Nakapagtataka. Bakit ba lagi na lang kaming nagkikita ng lalaking 'to?

unexpected [bestfriend sequel]Where stories live. Discover now