sesenta y seis

506 34 52
                                    

celoah's pov

"Celoah."

"Ay! bakla."

Napasapo ako sa aking dibdib sa sobrang pagkagulat. Pero agad akong umayos ng mapansin ang matiim nyang titig sa'kin. Napayuko ako. Para akong kriminal na nahuli sa akto.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nakagat ko ang aking labi. Parang galit yong tono nya.

"Uhm! Cero, kasi---"

"Ba't mo ko sinusundan?"

Mataman akong napatingin sa kanya. Oo sinusundan ko na naman sya. Ilang araw na. At ngayon ay napansin nya na pala. Kaya siguro bigla syang nawala sa paningin ko ay ngayon ay bigla nalang sumulpot dito sa harapan ko.

"Uhm! Cero, gusto ko lang naman malaman ang ginagawa mo. Gusto kitang makausap pero di mo ako binigyan ng pagkakataon. Cero, nahihirapan na ako. Alam ko dapat kitang intindihin sa kalagayan mo pero Cero, di ba dapat nasa tabi mo ko para matulungan kita. Hindi yong parang di mo ako kilala na binabalewala mo. Akala ko ba maal mo 'ko. Pero bakit gabito Cero, bakit pinaparamdam mo sa'king hindi ako mahalaga sa'yo. Sabi mo, kahit kelan hind magbabago yong pagmamahal mo. Bakit ngayon? Bakit kasama mong kinalimutan? Bakit mo ko sinasaktan? Bakit wala kang ginagawa para maalala mo?"

Di ko na mapigilang ilabas ang nasa loob ko. Ang hirap na kasi. Parang sasabog na ako.

"Anong kailangan ko gawin Cero? Para maalala mo na ang lahat?"

Sa paraan ng tingin nya ay parang nanghihina ako. Di ko na makita 'yong ningning sa mata nya gaya noon. Naglaho na.

"Wala kang kailangang gawin. Nakakaalala na 'ko."

Namilog ang mata ko sa kanyang sinabi. Tama ba ang pagkakarinig ko? Posible dahil temporary lang naman ang amnesia nya.

"N-nakakaalala.. ka... na?"

"Yes." walang gatol nyang sabi. Kung nakakaalala na sya, bakit---.

"K-kelan pa?"

"Three days."

"B-bakit di mo sinabi sa'kin?" naguguluhan ko tanong.

"Dahil sa tingin ko ay di na kailangan."

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nya.

"Anong hindi kailangan? Cero, may karapatan akong malaman. Girlfriend mo 'ko at dapat nga kasal na tayo. Bakit di mo sinabi?"

"Celoah, hindi ko sinabi dahil ayaw kong paasahin ka."

"Paasahin? Anong bang sinasabi mo?"

Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nya. Hindi magsink-in sa utak ko. Dahil ba 'to sa kulang-kulang ako sa tulog kaya di gumagana ng maayos ang isip ko?

"Celoah, I'm sorry. Akala ko, dahil lang sa pagkalimot ko kaya naconfused ako sa nararamdaman ko. Kaya humingi ako ng space sayo. Pero ngayon, nakakaalala na ako. At malinaw na sa sarili ko. Gusto kong humingi ng tawad sayo."

Sobrang tahip na ng dibdib ko sa sobrang kabang nararamdaman ko. Iba ang pakiramdam ko sa mga sinasabi nya.

"Celoah, I'm sorry pero---"

"Hindi na kita mahal."

Para akong nabingi sa sinabi nya. Namalayan ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko.

"No! Hindi totoo yan. Nagbibiro ka lang. Hindi totoo yan." di ko na napigilang magtaas ng boses. Wala na akong pakialam sa mga makakarinig.

"SABIHIN MO SA'KING NAGBIBIRO KA LANG."

Para na akong mababaliw. No... no... Ayoko. Ayokong maniwala sa sinasabi nya.

"I'm sorry." nakayukong sabi.

"Nooo! CERO. Mahal mo ko di ba. Mahal mo ko. Cero sabihin mo. CEROOO!"

---

Biglang napabalikwas ako ng bangon. Kadiliman ang nakita ko sa aking kwarto. Inangat ko ang tuhod ko at niyakap saka isinubsob ang aking mukha at humagulhol ng iyak.

Napanaginipan ko na naman ang ginagawa nya sa'kin. Ang mga sinabi nya. Isang linggo na yata ang lumipas. Di ko na alam. At di ko alam kung bakit nabubuhay pa rin ako ngayon sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kong bakit ganon kadali nya lang tinapos ang lahat sa'min. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali at nagkulang. Hindi nya ako binigyan ng sapat na rason.

Di ko inakala na magagawa nya sa'kin 'to. Mas gugustuhin ko na lang na wag ng mabuhay kaysa patuloy na maramdaman ang sakit sa puso kong nilikha nya. Wala ng saysay itong buhay ko. Wala na dahil wala na sya sa'kin. Mas madilim pa ngayon ang aking buhay keysa sa kwartong kinaroroonan ko.

Bakit?

Bakit sya nagbago?

unexpected [bestfriend sequel]Where stories live. Discover now