cincuenta y cuatro

518 43 19
                                    

celoah's pov

"I'm sorry natagalan ako. Naligo pa kasi ako. Ano bang pag-uusapan natin?"

Dito kami sapark nagkita. Sinabi ko sa kanyang pupuntahan ko na lng sya sa bahay nila pero wag na daw. Dito na lang daw. Di ko alam kung bakit pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Kinakabahan ako.

"Gusto kong humingi ng sorry. Sorry kung nahihirapan ka sa sitwasyon natin ngayon. Sorry kung di kita maalala. Sorry kung nahihirapan ka ng dahil sa'kin."

Medyo nabawasan ang kaba ko sa kanyang sinabi. Inabot ko ang kamy nya at mahigpit itong hinawakan. How I miss those times na magkahawak ang mga kamay namin. Yong panahon hinahawakan nya ang kamay ko ng sobrang higpit at parang ayaw na nyang bitiwan.

"I fully understand Cero. Alam kong mahirap din sayo. Kahit anong mangyari nandito ako lagi para sayo."

Tuluyan ng nawala ang kaba ko kanina ng hawakan nya ng mahigpit ang mga kamay ko gamut yong isang kamay nya at mataman akong tiningnan. God! Parang ang tagal naming di nagkita dahil sobrang namiss ko sya. Gusto kong yakapin sya ng sobrang higpit ngayon.

"I'm really sorry. At sorry dahil di natuloy yong kasal natin."

"Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan na nadisgrasya ang kotseng sinasakyan mo. Siguro ay hindi pa talaga yon ang tamang panahon."

"Gusto ko ding magsorry dahil---"

Hinihintay ko kung ano ang sunod nyang sasabihin. Biglang bumalik yong kaba ko kanina. Kita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. Ano ba ang sasabihin nya?

"Celoah, I'm sorry."

"Ah. Bakit ka ba nagsosorry? Wala ka namang kasalanan."

"Celoah, sana maintindihan mo ko. Ayaw kong mas masaktan ka pa dahil sa di kita maalala. Ayaw kong mahirapan ka pa."

"A-ano ang ibig mong sabihin?"

"Di ko maibibigay ang pagmamahal na kailangan mo dahil sa nawala ang memorya ko. I think it will be very unfair to you. Gusto kong buo ako, buo kong maibigay ang pagmamahal ko sayo at di ko yon magagawa ngayong wala akong maalala kahit konti. Maski tungkol sa sarili ko wala akong maalala. Kaya... I think it would be better kung bibigyan muna natin ng space ang isa't-isa. Kailangan muna nating palayain ang isa't-isa. Pansamantala."

Matagal bago nagsink-in sa utak ko ang mga sinabi nya. Ang alam ko lang ay anytime, papatak na ang luha sa mata ko. At ng alisin nya ang pagkakahawak sa kamay ko ay doon na mgaito tuluyang bumagsak.

"Cero, nagbibiro ka lang di ba." batid ko ang paggaralgal ng boses ko. "Cero, please don't do this. Hindi mo kailangang gawin to. Cero, naiintidihan ko naman ang sitwasyon mo. Gusto kong matulungan kita para mabalik ang alaala mo. Cero, no. Please no."

"I'm sorry." babawiin nya sana ang isang kamay nya. Pero mahigpit ko itong hinawakan.

Ayoko. Ayoko. I don't want to let go of him. Di ko kaya. Kahit pansamantala lang.

"Cero, please  don't do this to me."

Pakiramdam ko ay nabiyak ang puso ko. Bakit kelangang palayain namin ang isa't isa? Di ba dapat ay nasa tabi nya ako lagi hanggang sa makaalala sya.

"I'm sorry."

Nabawi nya ang kamay nya at mabilis syang tumayo at umalis.

"CEROOO!"

Para akong binasagsakan ng langit. Naninikip ang dibdib ko. Gusto kong isipin na nanaginip lang ako pero hindi. Sana ay bumiyak na lang ang lupa at kainin ako agad ng buo keysa pahirapan ako ng unti-unti sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Bakit ginagawa nya sa'kin to?

---

Naalimpungatan ako ng maramdamn kong may humahaplos sa buhok ko. Nagmulat ako ng mata at buong kisame ang nakita ko.

"Uhm! Buti naman at nagising ka na."

Napatingin ako sa nagsalita at nagtaka ako kung bakit sya nandito. Bumangon ako kahit na pakiramdam ko ay sobrang bigat ng buong katawan ko.

"Uhm! Bakit ako nandito? At bakit ka nandito?"

"Hindi mo ba naalala?"

"Naalala?" napaisip ako. Nagbagya na naman ang mga luha sa mata ko ng pilit kong inalala ang nangyari. At tuluyan na nga itong humulagpos ng magsink-in sa'kin ang lahat.

Si Cero. He asked for his freedom from me. Hindi yon panaginip lang.

"Shhh! Stop crying please. Nakakasama sayo."

Napatingin ako sa kanya.

"Paano ako napunta dito? Ikaw ba nagdala sa'kin dito?"

"Oo, nakita kasi kitang umiiyak sa park. At nawalan ka ng malay. Kaya dinala kita dito sa hospital."

Napayuko ako sa mas lalong umiyak. Isinubsob ko ang mukha sa dalawang palad ko. Naramdaman ko ang pagyakap nya sa'kin. Imbes na itaboy sya ay hinayaan ko nalang. Kailangan ko ng masasandalan ngayon at sya lang ang nandito. Di ko kaya itong sakit na nararamdaman ko.

"I saw what happen at gusto kong sugurin sya kanina sa ginawa nya sayo pero wala akong karapatang manghimasok sa inyong dalawa. His an asshole for doing this to you."

Umiling ako.

"Don't say that. Naiintindihan ko naman sya. Masakit lang talaga kasi---"

Di ko natuloy ang sasabihin ko dahil napahagulhol na ako. Di ko din kasi maintindihan kung bakit ginawa yon ni Cero.

"Shhh! Stop crying now. Ang sabi ng doctor, kaya ka daw nahimatay dahil sobrang stress. Kulang sa tulog at sapat na kain. Gusto ko sanang tawagan ang magulang mo kaso wala naman akong contacts nila. Hmm! Medyo nakialam din ako sa gamit mo baka nakakuha ang ng number nila mula sa phone mo pero wala akong nakitang cellphone. "

"Ako nalang ang kokontak sa kanila. Salamat ah. Kakikilala lang natin pero naabala na kita. Pasensya na kung ikaw nabuhusan ko ng problema ko. Salamat, Chester. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa'yo."

"Wag mo ng isipin. Hindi ka naman nakaabala. At kahit na sa ganitong sitwasyon ay masaya akong matulungan ka. Sana matulungan din kitang makalimutan ang problema mo."

Mataman akong napatingin sa kanya. Ang bait nya pala. Pero bakit nga ba ang bait nya?

unexpected [bestfriend sequel]Where stories live. Discover now