treinta y uno

636 43 18
                                    

celoah's pov

"Oah, halika na. Maligo na tayo." aya sa'kin ni Nica eommie. Maliligo kasi kami ng dagat.

"Sige eommie, susunod na ako." ani ko. Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin si Cero pero di ko sya nakita. Kanina ko pa nga sya hinahanap. Saan kaya nagpunta ang lalaking 'yon.

"Celoah, halika na." this time ay si Lara naman ang tumawag sa'kin. Mga 3 months na din mula ng umuw sya dito sa Pilipinas from China. Kasama namin sya at si Cassy. We invited them to join us on our vacation at excited naman silang sumama. Kaya nga medyo formal si Light dahil nandyan ang katapat nya. Haha! Ito namang si Lara at Cloud, parang aso't pusa. Well, hindi naman talaga na nag-aaway sila. Sadyang makulit lang si Lara at ang sungit naman ni Cloud sa kanya na syang nakapagtataka dahil hindi sya yong tipong masungit. Ok nga sya sa'min eh. Pero pagdating kay Lara ang sungit nya. Hmm! I smell something fishy. And I smell something--- Cero.

"Baby!" nasigla nyang tawag sa'kin sabay akbay sa'kin.

"Saan ka galing?" usisa ko sa kanya.

"Dyan lang baby, may pinuntahan lang ako."

"Saan?"

"Basta dyan lang."

"Dyan lang. Kanina pa kaya kita hinahanap." binigyan nya ako ng malokong ngiti.

"Oy, namiss mo 'ko."

"Che! miss ka dyan. Baka mambabae ka na?"

Mas lalo syang ngumiti sa aking sinabi.

"Uhum! possessive ang baby ko. Baby, hindi ako nambabae at hinding-hindi ako hahanap ng ibang babae. Maski ang tumingin sa iba. You're more than enough for me. Sayo lang ako titingin."

Nag-iwas ako sa kanya ng tingin dahil pakiramdam ko ay biglang namula ang pisngi. Nahihiya din kasi ako sa mga sinabi ko. Do I sound like I am being possessive? Hindi naman di ba? Nagtatanong lang ako.

"Baby."

"Um."

"Di ka dapat tumatambay dito. Ang daming nakatingin sayo. Baka mabangasan ko ang mga yan. At tsaka baby, ano yang suot mo? Bakit kitang-kita ang balat mo." napatingin ako sa aking suot. Okay naman ah. Bagay naman sa'kin. saktong pangswimming. Wala naman akong peklat sa binti. Anong problema nya?

"Ano bang mali sa suot ko?" inosente kong tanong

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ano bang mali sa suot ko?" inosente kong tanong.

"Baby, mali yang suot mo kasi di pwedeng makita ng iba ang kasexyhan mo. Ako lang dapat ang makakakita nyan." mas lalong nag-init ang aking pisngi sa kanyang sinabi. At trumiple pa ng hubarin nya ang t'shirt nya at tumambab sa'kin ang yummy abs nya.

Agad kong sinaway ang aking sarili sa aking maisip.

Isinuot nya ang t'shirt nya sa'kin na umabit hanggang sa kalahating parte ng hita ko. Nakanguso at nakakunot-noo ko syang tiningnan.

"Eh, maliligo ako eh." reklamo mo sa kanya.

"Oh, maliligo ka nga. But you should wear my shirt. Kung di, walang ligo."

Aish! Epal din tong lalaking 'to eh.

"Tara na maligo na tayo."

Mapairap at nagpatianod nalang ako ng hilahin nya ako. No choice, kaysa naman di ko maenjoy ang nag-aanyayang tubig dagat. Susundin ko na lang sya.

---

Matapos naming maligo ay nagkanya-kanya muna kami ng pahinga sa kanya-kanyang kwarto na pinagamit sa'kin ni Thunder dito sa villa ng kanilang resort.

Habang naglalaro ako sa cellphone ko ay may bigla akong naalala.

"Cero." tawag pansin ko sa kanyang na nasa phone ang atensyon. Nasa iisang kwarto kasi kaming dalawa.

"Hmm! yes baby."

"Ano nga pala yong dapat mong sasabihin nong kakarating palang natin dito? Yong di mo naituloy dahil dumating si Light."

Nangunot ang noo nya na parang inaalala ang tinutukoy ko.

"Hmm! ahh... wala baby. Nakalimutan ko na."

"Ehh! kelan ka pa naging makakalimutin?"

Nagkamot sya ng ulo.

"Nakalimutan ko talaga, baby." aniyang tutok na tutok sa cellphohe ang mata. Kanina ko pa din sya napapansing busy sa cellphone nya. Ano bang pinagkakaabalahan nya?

"Sinong katext mo?" muli ay usisa ko.

Tumingin sya sa'kin na parang gulat.

"Hah! Ah.. wala baby. Si mom lang."

Biglang tumunog ang cellphone nya. May tumatawag.

"Ah, sandali lang baby ah. I'll just answer mom's call." aniya tapos ay lumabas ng kwarto. Naiwan akong nagtataka. Bakit kailangan nya pang lumabas? Bakit parang ayaw nyang marinig ko ang pag-uusap nila ng mommy nya?

At bakit ganito? Bakit iba ang pakiramdam ko sa inaakto nya ngayon?

Bakit iba ang inaakto nya ngayon?

unexpected [bestfriend sequel]Where stories live. Discover now