setienta y nueve

601 36 22
                                    

celoah's pov

Hindi ko alam kung bakit napunta ako dito sa park ngayon. Basta dinala nalang ako ng mga paa ko. Hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. Kahit saang sulok ako tumingin, sya ang nakikita ko. Kahit anong gawin ko, di sya mawala sa isip ko. At kahit sa kabila ng ginawa nya, mahal ko pa rin sya. Hindi naman kasi madaling kalimutan ang lahat. Hindi madaling maalis ang sakit na nilikha nya. Nakakapagod na.

"Hey!"

Napatingala ako ng may sumulpot sa harap ko.

"Chester."

"Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kitang nakitang umiiyak." aniya pagkatapos ay may kinuha sa bulsa nya. Panyo. Tinanggap ko ito ng iabot nya ito sa'kin.

Umupo sya sa tabi ko at nanatiling tahimik. Walang nasalita sa aming dalawa.

Biglang nagbago ang ekspresyon ko ng may makita akong di kaaya-aya sa di kalayuan. Agad bumangon ang poot sa puso ko.

Bakit ang saya nila, samantalang ito ako't di alam kung paano bubuuin uli ang sarili ko? Pareho silang natigil ng makita nila ako.

"C-celoah."

Hindi gulat ang nakikita ko sa mga mukha nila. Parang masaya pa silang makita akong wasak. Agad nag-unahan sa pagpatak ang luha sa mata ko. Namalayan ko nalang na tumatakbo na ako palayo.

Nasa gitna ako ng tawiran ng mapahinto ako dahil biglang sumikip ang dibdib ko. Kinakapos ako ng hininga. Parang umiikot ang paligid ko. Kahit bahagyang nanlalabo na ang paningin ay kita ko ang isang kotse paparating sa kinatatayuan ko. Gustuhin ko man ay parang ayaw gumalaw ng mga paa ko. Parang may pumipigil.

Ito na ba? Ito na ba ang katapusan ko? Ito ba ang solusyon sa lahat ng paghihirap ko?

Mas mabuti ngang hanggang dito nalang ang lahat. Para matapos na ang paghihirap ko.

"CELOAH!"

Dinig ko ang pagtawag sa pangalan ko pero wala akong makitang tao. Ang nakikita ko lang ay ang kotse malapit na malapit na sa'kin. At mas lalo pang tumindi ang paninikip ng dibdib ko. Pumikit ako't hinanda ang aking sarili. Hanggang dito na nga lang siguro.

"CELOAH!!!"

"Mahal pa rin kita, Cero." huli kong nasambit bago tuluyang nagdilim ang lahat.

---

an: ihanda ang isang balde sa next part. huehue. peace sa inyong lahat. 😥✌

unexpected [bestfriend sequel]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora