doce

964 54 11
                                    

warning: typos and grammar errors ahead.

***

celoah's pov

Di ko mapigilang mapangiti sa conversation namin ni Cero. Naaliw akong asarin sya. Well, di naman talaga sya ganon ka pikunin. Ang cute lang ng naiimagine kong mga reaksyon nya.

"Aysus! kung makangiti. Parang wala ng bukas. Nagsparkle-sparkle pa 'yong mga mata. Inlove na inlove. Kaurat." natawa naman ako sa sinabi ni Nica eommie. Kasama ko kasi sila ni Mommy Shan ngayon dito sa quadrangle ng campus. Saktong nagkasabay ang free time namin. Si Camille ang wala kasi absent sya. Maya-maya ay maglalunch na din kami. Hinintay ko pa si Cero at hinintay naman nila mga boyfriends nila.

"Parang sila hindi. O ayan na si milo at alaska nyo." sabay silang napalingon sa itinuro ko. Si Thunder at Sky, papalapit sa kinauupuan namin.

"Bad you beybe oah." ani eommie sa'kin na ikinatawa ko.

Bigla namang may yumakap sa'kin mula sa likod ko kaya natigil ako.

"Ang saya naman yata ng baby ko?" bulong nya malapit sa teynga ko na nagbigay kiliti sa'kin. Malakas kaya kiliti ko sa teynga.

Tumingala ako para makita ang mukha nya. Letse! Ang gwapo talaga ng kumag na 'to. After almost two years mas gumwapo pa ang hinayupak at mas gumanda pa ang pangangatawan. Yong six pack abs nya dati, naging eight na. Kaya tuloy mas maraming babae ngayon ang humahanga sa kanya.

Well, sorry na lang sila dahil akin sya.

Umupo sya sa tabi ko't habang nakayakap pa rin sa'kin.

"Baby, yong punishment mo, hindi ko nakakalimutan." bulong nya sa'kin.

Inangatan ko sya ng kilay. "Punishment mo mukha--"

Di ko natapos ang sasabihin ko dahil kinintalan nya ako ng halik sa labi.

"You two get a room. Gosh!" sabay kaming napalingon kay mommy Shan.

"Babe, hayaan mo na. May kiss ka din sa'kin." ani Thunder at inilapit ang mukha sa kanya. Umiwas sya agad. Napanguso naman si Thunder.

"Gutom na kami, tara na." ani mommy Shan saka tumayo at hinila si Thunder. Sumunod naman sina eommie at Sky.

Tatayo na rin sana ako ng pigilan ako ng baklang usa. "Una nalang kayo, susunod kami." aniya sa mga kaibigan namin.

"Dude, wag dito. Sa bahay nyo gawin." natatawang ani Sky

Naramdaman kong biglang uminit ang pisngi ko. Siraulong milo na 'to. Sarap nyang sapakin.

"Salamat sa payo dude." at sinabayan naman ng hinayupak na 'to.

"Oah, sunod agad ha." ani eommie saka sila umalis.

Pagkaalis nila ay agad kong pinalo sa braso si Cero.

"Baby, ang brutal mo talaga."

"Puro ka kasi kalokohan. Parehas kayo ng mga 'yon." ngumisi sya sa sinabi ko.

"Anong kalokohan baby, wala naman maling sinabi si Sky ah." binigyan nya ako ng malokong ngiti. "Ikaw baby ah, nagiging green na naman ang isip ko. Ano bang inisip mo sa sinabi ni Sky. Yon bang---" binulong nya sa'kin ang karugtong ng sasabihin nya.

Agad nanlaki ang mata ko at sinapak sya.

"Aray baby. Ba't ang brutal-brutal mo." Hinaplos-haplos nya yong ulo nya. "Baka lang---"

"Isa Cero, tumigil ka."

"Titigil na." aniya at ngumuso pa habang nakakunot ang noo. "Pasalamat ka, mahal kita. Kundi asdfghjkl."

"Ano?"

"Wala baby, sabi ko dito muna tayo. Parehas naman tayong 2:30 pa ang next class kaya mamaya na tayo kumain."

Pinangunutan ko lang sya ng noo. Ok lang naman na mamaya na kami kumain. Di pa din naman ako nagugutom.

"Bakit?" tanong ko ng mapansing titig na titig sya sa'kin.

"Hmm?"

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Bakit bawal ka bang titigan? Baby, gustong-gusto kong tinititigan ang mukha mo sa lahat ng pagkakataon. Gusto kong laging ganito kalapit sayo." hinapit nya ako palapit sa kanya. Ito namang puso ko, di maiwasang magwala. Yong epekto nya sa'kin, di pa rin nagbabago. Sobrang lakas pa rin. Konting dikit lang sa kanya, bumibilis na agad ang tibok ng puso ko. "I want to always hug you." parang sinusuri nya ang buong mukha ko sa paraan ng pagtingin nya. Di ko naman maalis ang tingin ko sa gwapo at perpekto nyang mukha. Kailaman ay di ko pagsasawaan. "And... kiss you like this."

In a swift move ay naramdaman ko ang paglapat ng labi nya sa labi ko. It was a deep and a passionate kiss. I was hesitant to respond at first dahil nasa campus kaya kami at baka may makakita samin though alam ko na lunchbreak ngayon at nasa cafeteria ang mga estudyante. Pero di ko din naman kayang pigilan ang sarili ko lalo pa't nalulunod na ako sa halik nya kaya tinugon ko ito. Pakiramdaman ko ay nakalutang ako sa ulap at ayaw ko ng matapos ang sandaling aming pinagsasaluhan.

We were both catching our breath ng ilayo nya ang mukha nya sa'kin. Agad nyang pinagdikit ang aming noo at muling kinintalan ng halik ang labi ko.

"I love you so much, baby." isang ngiti ang sumilay sa labi nya.

"I love you too." I smile also crept on my lips

"Walang hanggan ang pagmamahal ko sayo Celoah. I want to keep you forever." marahan akong tumango.

"I feel the same. And I want to be with you forever. Pero sa ngayon, gutom na'ko, baby. Kumain na tayo."

"Ow! Sorry baby, akala ko mabubusog ka na sa kiss ko. Kidding. Let's go." he kiss me for a second bago mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming tumayo at umalis.

Isa na naman to sa di malilimutang araw ko. Kasama sya. Puro espesyal ang araw ko baata kasama ko sya.

---

©LuYoonKai0788 para sa alaska. haha

unexpected [bestfriend sequel]Where stories live. Discover now