bonus part - [uno]

683 46 12
                                    

5:55 pm

celoah: ba't ang tagal mong umuwi?

celoah: kanina pa tapos ang klase mo ah.

celoah: dapat, 5:20 nandito ka na.

celoah: magsisix na wala ka pa.

celoah: siguro nambabae ka na noh.

celoah: siguro naghahanap ka na ng iba dahil pumapangit na ako.

celoah: siguro, ayaw mo na sa'kin.

celoah: siguro, di mo na ako mahal.

celoah: tapos di ka na nagrereply.

celoah: uuwi nalang ako sa mama at papa ko.

celoah: bubuhayin ko nalang mag-isa ang anak ko.

celoah: magpakasaya ka sa babae mo.

celoah: pag-uwi mo, di mo na ako makikita dito sa bahay.

6:07 pm

---

celoah's pov

Hindi naman sya nale-late ng uwi eh, ngayon lang. Naghanap na nga talaga sya ng iba dahil tumataba at pumapangit na ako. Ipinagpalit nya na ako. Pinahid ko ang luhang naglandas sa pisngi ko saka ko dinampot ang bag na may lamang mga damit ko. Pagbukas ko ng pinto para lumabas ng bahay ay sya namang pagdating nya.

"Baby, where are you going?" humahangos nyang tanong. Tinaliman ko sya ng tingin.

"Baby, please. Mag-usap tayo. Kaya lang naman ako natagalan dahil may tinapos pa kaing report sa isang subject. Tapos bumili pa ako ng pasalubong ko sayo."

"Sinungaling ka. Ang sabihin mo, nambabae ka lang. Naghanap ka ng iba dahil pangit na 'ko. Ipinagpalit mo na ako." iwinaksi ko ang kamay nyang akmang hahawak sa'kin.

"Baby, don't say that. Hindi ako nambabae. Hinding-hindi ko gagawin yon kahit kelan. Takot ko lang sayo pag ginagawa ko yon. I love you so much baby and I can't afford to do that. And don't say you're ugly coz you're not. Kahit na tumaba ka pa. Hindi ka papangit. You are the most beautiful pregnant woman I've ever seen. At ikaw lang ang nag-iisang babaeng maganda sa paningin ko. Baby, believe me please. I love you. Baby."

Nakalma naman ako bigla sa lahat ng sinabi nya. Ewan ko ba. Di ko maiwasan na maging maging. Ganon naman daw pag buntis. Minsan alam ko sumusobra na ako sa ugali ko pero di ko naman makontrol ang sarili ko.

"Baby, wag kang umalis. Wag mo kong iiwan. Mababaliw ako pag iniwan mo 'ko. Hindi ko kakayanin pag nawala ka sa'kin. Kayo ng magiging baby natin. Please baby, stay."

Nabitiwan ko naman ang bag na hawak ko. Umiiyak na niyakap ko sya.

"I'm sorry... I'm sorry." paulit-ulit kong sinabi yon habang walang tigil ang luha ko.

"Shh! it's okay baby. I understand. Stop crying. You know that I never like seeing you cry. Makakasama sa baby natin yan."

Tumahan naman ako sa kanyang sinabi.

"Wag mo ng gawin ulit yon ha. Tinakot mo ako ng sinabi mong aalis ka at di na kita maabutan dito sa bahay. Kulang nalang paliparin ko yong sasakyan ko."

Sobrang nakonsensya naman ako sa mga ichinat ko sa kanya. Ang sama ko. Paano nalang kung may nangyari di maganda sa kanya. Kasalanan ko yon. At di ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari yon.

Kaya ngayon, susubukan ko ng kontrolin ang mood swings ko.

"I'm sorry."

"It's okay baby, pero sana wag mo na aking takutin ulit."

Kumalas ako ng yakap sa kanya saka ako umiling-iling. Tinuyo nya ang luha sa pisngi ko sa pamamagitan ng labi nya. He kiss my both cheeks.

"Okay na tayo?"

Muli akong tumango bilang tugon. Napangiti na sya.

"Tinakot mo talaga ako misis ko. At dahil don, may punishment ka sa'kin."

Bago pa ako makapagreak ay nakalapat na ang labi nya sa labi ko. Walang pagdadalawang isip na tinugon ko ang halik nya. Di pa rin nagbabago, lagi pa rin akong nalulunod sa tuwing hinahalikan nya.

We were both catching our breath when the kiss ended. Humabol pa sya ng three seconds kiss bago nya idinikit ang noo sa noo ko.

"May binili akong j.co at mango crepes para sayo."

Biglang umaliwalas ang mukha mo sa sinabi nya. Wah! Mango crepes. One of my favorites.

"Talaga?"

"Oo. Tara kunin natin sa kotse." aniya at hinawakan ang kamay ko.

"Yey! Thank you baby, I love you." tuwang-tuwang ani ko.

"I love you more, baby." kinintalan pa nya ako ng halik bago kami nagtungo sa kotse nya. Sobrang na-excite ako ng makuha na namin ang pasalubong nya. Everytime na umuuwi sya ay lagi syang may dalang pasalubong. He never fails.

Pati ang pag-aalaga nya sa'kin ay wala akong maipipintas. Ako lang talaga itong tupakin. Inaamin ko naman yon. At di nyo rin ako masisi kasi buntis ako. Kayo kaya nasa kalagayan ko.

Laking pasasalamat ko na lang na napakapasensyuso ng asawa ko. Hindi nya sinasabayan ang mood swings ko. Iniintindi nya ako ng sobra. Napakaswerte ko. Ang swerte ko dahil isang CERO HAN ang nagmamahal sa'kin at napangasawa ko. I'm lucky I have a bestfriend, a boyfriend and the best husband in one. Bonus pa ang magiging baby namin. My life is so complete. Wala na akong mahihiling pa.

My love for him will be always and forever. Hindi na magbabago pa.

unexpected [bestfriend sequel]Where stories live. Discover now