dieciseis

768 50 20
                                    

warning: typos and grammar errors ahead.

***

cero's pov

"Here, eat this first before you drink your medicine." iniangat ko ang kutsarang may lamang lugaw at itinapat sa bibig na. Ngumuso sya at sumimangot. Jeez! Kahit na may sakit ang baby ko sobrang cute at ang ganda pa rin. Nakakatempt tuloy ang pout nya.

"Ayaw ko nyan." alam ko ng ayaw nya talaga ng lugaw pero kahit naman anong ipakain ko ngayon sa kanya ay ayaw nya.

"Baby, kailangan mong kumain kahit konti lang para magkalaman naman ang tyan mo." hay! kung walang sakit ay matigas na ang ulo, paano pa ngayon may lagnat sya? Ayaw na ayaw ko pa namang nakakasakit sya. Mabuti pang ako na lang.

Marahan syang umiling.

"Baby, paano ka gagaling nyan? Mas manghihina ka kapag di ka kumain."

"You don't love me. Pinipilit mo ang ayaw ko."

Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Mabilis kong binaba ang hawak kong bowl at kutsara sa side table.

"Baby,don't say that." I said as I held her face. Ang init-init nya. Fvck! Ano bang gagawin ko para mawala ang lagnat nya? Tuloy ay kung anu-ano ang kanyang sinasabi. "Baby please never doubt my love for you. Mahal na mahal kita, Celoah. I love you more than my own self. Kaya lang naman kita pinipilit kumain kasi gusto kung gumaling ka agad. I don't like seeing you sick. Mabuti pang ako na lang."

"I'm sorry." aniya't yumuko. Agad ko syang niyakap. Gumanti naman sya ng yakap sa'kin. How I love the feeling. Yong nayayakap ko sya ng ganito.

"It's ok baby. Basta wag mo ng sasabihin yon ulit ha. Pinapakaba mo ako eh."

"I won't. " aniya't umiling bago nya ibinaon ang kanyang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. Ramdam ko ang mabigat at mainit nyang paghinga. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa naramdaman kong bumibigat ang ulo nya. Mukhang inaantok na. Hanggang sa nakatulog na nga sya dahil natanggal na yong mga kamay nyang nakayakap sa'kin. Sinalo ko ng isang kamay ko ang ulo nya at dahan-dahan syang inihiga ng maayos sa kanyang higaan. Inayos ko ang comforter nya pagkatapos ay sinalat ko ang kanyang noo. Mukhang ang taas ng kanyang lagnat. Di pa naman sya nakainom ng gamot.

Tatayo sana ako para kumuha ng bimpo at nainit na tubig para ilagay sa noo nya kaso hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.

"Dito ka lang, Cero. Wag mo kong iiwan." inaantok nyang sabi. Akala ko ay tulog na sya.

"Yes baby, dito lang ako. Babantayan kita." mamaya nalang siguro ako kukuha pag talagang tulog na sya. Isang malalim na hininga ang pinakawalan. Mataman ko lang syang tinitigan. Marahan kong tunapik ang mukha nya para alamin kung tulog na ba sya. At tulog na nga. Napangiti ako habang pinamamasdan sya.

Gustong-gusto kong ako ang nag-aalaga sa kanya pag nagkakasakit sya. Isa pa, nakakatuwa lang na kapag nagkakasakit sya ay ako ang laging hinahanap nya at ayaw nya pang umalis ako sa kanyang tabi. Pero hindi naman ibig sabihin non na gusto kong magkasakit sya. Yong ang pinaka-ayaw kong mangyari. Natatakot kasi ako. Ayaw ko ng mangyari yong noon na muntik na syang mawala sa'kin. Kahit na simpleng lagnat lang ang meron sya ay di ko maiwasang matakot. Sobrang mahal ko lang sya at di ko kakayanin pag nawala sya sa buhay ko. Ikamamatay ko yon.

Muli akong napangiti ng may naalala ako. Malapit na ang bakasyon at malapit na din ang birthday ko. And on that day will be our second year anniversary. Mula ng sinagot nya ako sa mismong araw ng birthday ko ay naging napaka-espesyal na ng kaarawan ko para sa'kin. She made it very special. Pinaka-espesyal na araw ng buong buhay ko.

May plano ako sa araw na yon. Sana lang maging matagumpay ang plano ko.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at marahang hinagkan ang noo nya. "I love you so much, Celoah." mahinang sabi bago ko kinintalan ng halik ang labi nya saka ako tumayo para kumuha na ng mainit na tubig.

unexpected [bestfriend sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon