treinta y ocho

649 47 31
                                    

warning: typos and grammar errors ahead.

celoah's pov

"Oh jeez! Celoah, you're still not dress. My gosh! Kailangan na nating umalis. Nauna na sila." nagbingi-bingihan ako at di pinansin si Lara. Bigla nalang syang pumasok dito sa kwarto, bihis na bihis na. Habang ako, eto't walang planong sumama sa kanila.

"Celoah, please... magbihis ka na. Hindi ka pwedeng di sumama. Sige na. Alam mo, dapat nag-ienjoy tayo kasi nga bakasyon to. At alam mo, yong LQ nyo ni Cero, dapat pinag-uusapan nyo ng maayos. Di pinapatagal dapat ang problema kung pwede namang maresolba agad. Ito ah sasabihin ko sayo, alam mo bang naiinggit ako sa iyo, sa inyo."

Napakunot-noo ako. Ba't naman sya maiinggit? Wala namang dapat ika inggit.

Biglang lumungkot ang mukha nya.

"Naiinggit ako kasi---" saglit syang huminto at humugot ng malalim na hininga. "mahal kayo ng mahal nyo. Ikaw, mahal na mahal ka ni Cero at alam kong ganon ka din sa kanya. Unlike me, hindi ako mahal ng taong mahal ko. Ni magustuhan nga ay malabo. I'm so unlucky, right? Kaya ayusin nyo na yong problema nyo. Hindi yon dapat pinapalaki. You're both lucky with each other. You have the perfect guy na kaya kang mahalin ng higit pa sa buhay nya. Don't make reasons para mawala ang pagmamahal na iyon sayo. Hindi kita tinatakot. But guys will be guys. Maaring dumating ang panahon na magsawa sila sa kakasuyo sayo kahit na gaano ka pa nila kamahal. Huwag mong hintayin na mangyari yon Celoah."

Natigilan naman ako sa lahat ng sinabi nya. Una, yong naiinggit sya dahil di sya mahal ng taong mahal nya. I think I know who it was. Wala namang mali kay Lara para di sya mahalin. She's so lovable. Maganda.at manait. Bulag nalang ang di nakakakita non. Well, yong tinutukoy nya ay malamang bulag pa sa lahat ng bulag.

At ang mga huli nyang sinabi. Di man sinasadya ay nakaramdam ako ng konting kaba. Paano nga kung magsawa sya sa'kin? Sa inaasal ko lagi sa kanya. Ayaw kong mangyari yon. Ayokong mawala sya sa'kin. Tama si Lara. Di dapat pinapalaki ang isang maliit na problema.

"Hmm! hintayin nalang kita sa baba, ha." aniya't ngumiti. Ngiting di umabot sa kanyang mata.

Pagkaalis nya ay agad na akong nagbihis at nag-ayos. Kailangan kong ibaba ang pride ko at kausapin na si Cero. Siguro ay baka nagalit na yon sa'kin sa asal ko. I overreact. I'm so stupid. Sinadya ko pang di sya batiin ngayo at di sumali sa kanila kanina. Pakiramdam ko ngayon ay napakasama kong girlfriend.

Nang masiguro kong wala ng kulang sa get-up ko at lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si Lara'ng nakatingin sa kawalan. Mukhang problemado sya. Ngayon ko lang napansin. Siguro ay malungkot sya at nasasaktan pero di nya lang pinapakita sa'min.

"Uhm! nandyan ka na pala. Tara." di nakaligtas sa paningin ko ang pasimple nyang pagpahid ng luha. Mukhang mabigat nga ang dinadala nya.

"Lara." mahina kong sambit sa pangalan nya habang naglalakad na kami papunta sa floating cottage kung saan gaganapin ang party kuno ng pinsan ni Thunder.

"Hmm?"

"Si Cloud ba?"

Bigla syang nag-iwas ng tingin at minadali ako. Mukhang di pa sya handang pag-usapan. Pero sa inakto nya ay nakumpirma ko kung sino ang tinutukoy nya kanina. Psh! Gagong Cloud na yon. Ang tanga nya para palampasin ang kagaya ni Lara'ng totoong nagmamahal sa kanya.

"Bakit walang tao?" takang tanong ko ng makarating kami.

"Ewan ko."

"Nasaan sila? Sabi mo nauna na sila dito? Baka naman hindi dito ang party?" may dekorasyon naman pero walang tao.

"Oo nga. Nauna na sila. Punta tayo sa kabilang cottage." anyaya nya at naunang tumawid sa kahoy na tulay papunta sa kabilang cottage. May isang table na nakahanda para sa pandalawahang tao. May mga dekorasyon pero wala pa ding tao. Inilibot ko ang aking paningin. Ang ganda ng pakakaayos. Parang sa isang romantic date. May scented candles, may balloons. Baka may madedate dito. Kailangan naming umalis.

unexpected [bestfriend sequel]Where stories live. Discover now