Chapter 10

36.6K 1.3K 296
                                    

Roxette's POV


Nakakaasar talaga ang tadhana't pinagitnaan na naman ako ng dalawang lalaking 'to.


Dapat ba akong magsaya dahil nasa kaliwa ko ang nagpapatibok nang masigabo sa aking puso? o dahil nasa kanan naman ang pinili ko nang buong-buo?


Kung pwede lang sanang magmahal ng dalawa ang puso, sana, walang taong nakanguso habang sinasaksak ang puso hanggang sa rumagasa ang dugo.


Napatingin akong bigla kay Ethan nang pagtutupin niya ang aming palad.


"Baebee," turan niya sabay pakawala ng isang nakakalokong ngiti.


Binigyan ko siya ng isang mapagsimpatiyang tugon na wari mo'y nagtatanong.


"Bakit naman baebee?" tanong ko.


"Simula ngayon, ako na ang bae mo. Hindi kita bae-bitawan para lagi kitang maprotektahan," aniya sabay kindat sa akin.


Napangiti tuloy ako nang hapit dahil doon.


"Oo na, ikaw na ang bae ko," pahayag ko sabay pisil ng kaliwa kong kamay sa kaniyang ilong.


"At bakit nga pala bee?" dugtong ko.


"Bee, sapagkat ikaw lang ang maaaring tumusok dito sa puso ko," sambit niya sabay lapat ng magkahawak naming kamay sa tapat ng puso niya.


"Asus," saad ko.


Malambing talaga itong si Ethan, hindi malabong pagdating ng araw, makuha niya rin ng lubos ang puso ko.


Hindi naman kasi siya mahirap mahalin, sadyang may ibang laman lang talaga itong puso ko kaya hindi pa siya makapasok nang lubusan.


"Bee, tulog ka muna rito sa bisig ko. Alam kong kulang ka pa sa tulog," aniya.


"Hindi na Ethan, ikaw na lang muna ang matulog," tugon ko.


Natawa ako sa ekspresiyon niya nang bigla siyang ngumuso na wari mo'y nagtatampo.


"Bakit ka nakaganiyan?" sambit ko.


"Hindi mo kasi ako tinawag na bae, e."


"Sus, oo na, bae na," turan ko sabay halik sa pisngi niya.


Para namang batang nagningning ang mga mata niya nang dahil doon.


Napatingin akong bigla sa dako ni Mark at bigla niyang iniwas ang tingin niya sa amin. Syaks, nakalimutan kong katabi ko siya!


Nahihiya na naman tuloy akong tumingin sa kaniya. Alam kong nasaktan siya dahil sa ginawa ko pero okay na rin siguro iyon para makalimutan na niya ako.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon