Chapter 79

16.5K 678 59
                                    

Morixette's POV


Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko kay Ate nang muli kaming magkita. Parang nangayayat silang lahat dahil sa misyon nilang hanapin ang Alibata.


"Momo, kumusta ka na? Kumusta kayo?" bungad ni Ate matapos naming humiwalay sa pagyayakapan. Napawi ang ngiti ko sa labi nang dahil sa katanungang iyon.


"Ate, pasensiya na... Hindi kami nagtagumpay, natalo kami ng tatlong maria. Kasalanan ko 'to," tugon ko habang nangingilid ang aking mga luha.


"Shh, huwag mong sisihin ang sarili mo. Narito pa naman kami para talunin sila kaya dapat manalig lang tayo," pahayag ni Ate habang inaalo ako.


"Oo nga naman, kami pa ba? Tatalunin namin ang mga kalaban," segunda ni Kuya Mark sabay kindat kay ate. Hinampas naman ni Ate ito sa braso dahil sa pagiging pilyo.


"Maiba lang, nasaan ang iba nating kasamahan?" pagsingit ni Agatha.


"Hindi na natin sila makakasama pa. Patay na sila, Agatha," sagot ni Ate Ginny. Tangan-tangan niya ang libro ng ABaKaDa pero bakas ang kalungkutan sa kaniyang mga mata.


"Syaks, unti-unti na tayong nalalagas. Si Aaron din, wala na..." turan ni Nikka.


"Pati si Ethan, patay na?" tanong ni Ate.


"Oo, Ate. Ang saklap nga ng nangyari kay Kuya Ethan dahil noong iniwan mo siya, unti-unti siyang tinakasan ng bait hanggang sa mabaliw na siya nang tuluyan," paliwanag ko.


"Kawawa naman pala si Ethan," saad ni Agatha.


Batid ko ang lungkot na namutawi sa mukha ni Ate. Wala siyang binanggit na salita matapos mabatid ang aking mga tinuran. Nakasandal lang ang ulo niya ngayon sa balikat ni Kuya Mark habang hinahagod nito ang likod ni Ate.


---


Matapos ang tagpong iyon, nagpahinga na muna kami saglit sa ilalim ng isang puno malapit dito. Ang sarap sanang mag-selfie rito dahil ang ganda ng tanawin kaso hindi ko dala ang aking phone.


Nag-bonding sina Agatha, Nikka at Ate Ginny dito sa isang tabi. Si Ate Rox at Kuya Mark naman ay nakatayo doon sa may bandang dulo na tila ba dead end na at nilalanghap ang sariwang hangin habang masayang nag-uusap. Pansin ko lang na tila ba may something sa dalawang 'to dahil ang close nila masyado. Si Life at Time naman, seryoso silang nag-uusap sa isang sulok.


Masaya ang paligid kaya hindi ko dapat pairalin ang mga masasamang enerhiya sa aking katawan para hindi ako malungkot. Medyo nainggit lang ako kina Agatha dahil ang saya nila. Na-miss ko ang mga kaibigan ko...


"Guys, kailangan na nating kumilos ngayon," ani Life. Lahat kami ay naglapitan patungo sa kanila ni Time dahil mukhang may mahalaga silang sasabihin.


"Parating na ba dito si Death?" tanong ko.


Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon