Chapter 66

17.1K 721 86
                                    

Agatha's POV


"Oo Elizar, magaling ka. Hindi kita matapatan sa ngayon pero babawi ako," ani Mark.


"Ikalulugod ko kung ako'y iyong matatalo," tugon nito.


Nagsimula na silang muli na magtunggali. Isinulat ni Mark sa ere ang letrang A at ginamit ang kapangyarihan ni Aila. Ngayon, naging lima na siya. Napamangha ako dahil nagawa niya ang technique na iyon.


"Hit it," sambit ni Mark bago siya sumugod sa kalaban.


Tumatakbo ang limang Mark papaikot kay Elizar. Maski ako, hindi ko alam kung ano ang susunod na hakbang na kaniyang gagawin. Samantala, nakamasid lang at tila ba pinapakiramdaman ni Elizar kung sino sa lima ang totoong Mark.


"Huli ka," saad ni Elizar at nagpakawala pa ng isang ngiti. May kinuha siya mula sa kaniyang likuran at ito'y ipinampag sa lupa. Isa 'yong latigo.


"Latigong apoy!" aniya.


Unti-unting nagkaroon ng apoy ang latigo ng kalaban. Maaaring ito ang gamitin niya para hulihin si Mark. Ilang saglit pa, ihinataw niya ito kay Mark. Nanlaki ang mata niya nang maging usok ang Mark na tinamaan niya kaya napatiim-bagang siya.


"Nandito ako," wika ni Mark at hinagisan niya ng paputok si Elizar gamit ang kapangyarihan ni Kaleb.


"Ahh!" sigaw ni Elizar matapos maputukan. Sa lakas ng paputok, tumurit siya labing limang dipa mula sa kinatatayuan ni Mark.


"Sinuwerte ka ro'n bata," ani Elizar nang makatayo. Pinunasan niya ang dugong lumalabas sa kaniyang bibig.


"Naisahan lang kita," tugon ni Mark habang papalapit sa kalaban.


"Mas mabuti kung tatapusin na natin 'to," giit ni Elizar at itinaas ang kanang kamay.


"Mainam na ideya," tugon ni Mark dito. Inilabas naman niya ang kaniyang espada at ginamit ang patalim ni Nyon.


Nagulat kami ng mga kasama ko rito sa tabi nang mag-anyong ahas na apoy muli si Elizar.


"Kaya niya bang makipaglaban habang nasa ganiyang anyo?" tanong ni Aaron.


"Oo nga, e. May iba siguro siyang plano," segunda naman ni Nikka.


"Magtiwala lang tayo kay Mark. Makakaya niya iyan," ani Roxette. Namumutawi pa rin sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala.


"Isa lang ang masasabi ko, tiyak na malakas na kapangyarihan ang gagamitin ng kalaban," pakiwari ko.


Nag-aabang lang kami kung ano ang susunod na mangyayari. Mayamaya pa, ibinuka na ni Elizar ang kaniyang bibig. Unti-unting namumuo roon ang isang apoy.


"Mark, mag-ingat ka!" sigaw ni Roxette. Thumbs up lamang ang itinugon dito ni Mark.


Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon