Chapter 44

21.9K 751 185
                                    

Morixette's POV


Napamulat ako ng aking mata dahil may tumatapik sa aking pisngi.


"Hmmm..." bungad ko dahil medyo inaantok pa ako. Kinusot-kusot ko ang aking mata para matanggal ang mutang nakaharang sa aking paningin. Matapos iyon, ipinikit kong muli ang aking mata.


"Uy, Morixette!" anas niya habang niyuyugyog naman ang aking balikat.


Nang dahil doon, tuluyan ko ng iminulat ang aking mga mata at bumangod sa aking kinahihigaan. Nag-inat-inat ako kaagad pagkabangon.


Bumungad sa akin si Ate Ginny na ngayon ay nakaupo na sa kinahihigaan ko kanina.


"Aalis kami ngayon ng Ate Arianne mo para sunduin ang kaniyang kapatid. Sasama ka ba?" aniya habang naka-de kuwatro pa.


"Naku, hindi na Ate Ginny. May pupuntahan din kasi ako, e. Ingat na lang kayo ni Ate Arianne sa biyahe," tugon ko at tumabi sa kaniya.


Tumingin siya sa akin na tila ba nagugulumihanan. Napakunot tuloy bigla ang aking noo.


"Don't tell me na fafabol iyang pupuntahan mo. Kukurutin talaga kita sa nini," sambit ni Ate Ginny na wari mo'y kukurutin nga ako kaya iniiwas ko ang aking minamahal na nini.


"Ate talaga o, ikaw na nga ang nagsabi na the more it is, the more chances of winning!" pang-aalaska ko.


Tumayo ako at lumayo nang kaunti sa kaniya dahil baka kurutin niya ako.


"Ayan, naligwak mo na kaagad si Eder?" aniya.


"Syempre, hindi. Siya pa rin ang latest..." ani ko habang nakahawak sa aking bibig at bumubungisngis.


"Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Eder! Eder! Eder!" anas niya nang medyo malakas kaya tinakpan ko kaagad ang kaniyang bibig.


"Ate Ginny, huwag ka ngang maingay! Marinig ka ni Jerwel, e! Baka kung ano pa ang isipin no'n," pahayag ko.


Humagalpak sa katatawa si Ate Ginny na tila ba wala nang bukas.


"Wala rito si Jerwel, namalengke kasama 'yung yaya nila kaya huwag kang kabahan diyan," saad niya kaya nakahinga naman ako nang maluwag.


Mukha namang mabait 'yung bagong yaya nila Jerwel at hindi na kagaya dati na parang may saltik.


"Tara na! Miss na miss ko na ang kapatid ko, e!" singit ni Ate Arianne sa aming usapan.


"Ingat po kayo. Sana, makasama na natin si Janine," ani ko.


Tumayo na si Ate Ginny sa may sofa at inayos ang kaniyang damit.


Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon