Chapter 83

16.6K 734 163
                                    

Roxette's POV


"Paano ba iyan? Mukhang katapusan mo na?" ani Helga. Nakatayo siya ngayon sa aking likuran habang nakatapak ang kanan niyang paa sa kaliwa kong binti.


"Hindi pa huli ang lahat. Huwag mo munang siguraduhin na nasa iyo ang huling halakhak," saad ko.


"Ang lakas pa rin talaga ng kumpiyansa mo 'no kahit na alanganin na ang sitwasiyon mo," turan niya at idiniin pa lalo ang pag-apak niya sa akin.


"Ahh!" pagpalahaw ko ng sigaw.


Pagkatapos no'n, naglakad siya nang kaunti patungo sa may bandang gilid ko sabay hablot sa aking buhok para magka-face to face kami. Ang higpit ng pagkakasabunot niya sa buhok ko kaya hindi ko mapigilang hindi mangiwi.


"Magpaalam ka na sa mga minamahal mo. O 'di kaya, magdasal ka na. Malapit na kitang ipadala sa kabilang mundo," pang-uuyam niya habang nakangisi.


Akmang sasagot na ako nang pabalang kaso namataan ko sa himpapawid ang talulot ng lupa kaya nabuhayan ako ng dugo. Salamat kay Life at sa Alibata para sa pagkakataong ito na magamit kong muli ang kapangyarihan ng talulot.


"Baka naman ikaw ang dapat na magpaalam sa ating dalawa? Sa pagkakaalam ko kasi, miss ka na ng iba pang masasamang elemento sa paligid," pambubuyo ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang pagak dahil sa kaniyang itsura ngayon. Nanlaki ang kaniyang mga mata na wari mo'y nagtataka.


"Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng lakas ng loob para pakawalan ang mga katagang iyan gayon pa't alam mong malapit ka nang mawala," pahayag niya.


"Nakahanap muli ako ng panibagong pag-asa kaya kabahan ka na," saad ko.


Binitiwan niya ang pagkakasabunot sa akin at saka hinugot ang kaniyang pamaypay sa ito itinutok sa akin. Ilang saglit lang, nagkaroon ng patusok ang pamaypay niya sa may dulong bahagi nito.


"Hindi ka na nakatutuwa. Dapat sa iyo, ginigilitan!" nanggagalaiti niyang sambit sa akin. Dahan-dahan akong tumayo para maisagawa na ang aking plano.


"Tulungan mo ako para puksain ang kalaban..." turan ko habang nakatingala sa kalangitan.


"Anong kahibangan na naman iyan, a?" singit ni Helga.


Ilang sandali pa, tila ba umaayon na sa akin ang lahat. Pinagbigyan ako ng talulot kaya hindi ko dapat biguin ang mga kasamahan ko.


Unti-unti akong lumutang sa ere habang pinalilibutan ng maliliit na tumpok ng putik hanggang sa lukubin ako nito para sa pagpapalit ng anyo.


"May hokus-pokus ka na namang ginawa! Bumaba ka riyan! Labanan mo ako!" giit ni Helga. Wala siyang nagawa kundi ang hintayin ang pagpapalit ko ng anyo. Ngayon ko ipamamalas kung ano pa ang kaya kong gawin.


Nang makababa ako, gayon na lamang ang pagkagulat ni Helga. Gusto ko sana siyang bigyan ng panyo dahil tutulo na ang laway niya sa pagkamangha.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon