Chapter 60

19.8K 716 81
                                    

Morixette's POV


Nalulungkot ako para kay Ate Arianne dahil isinakripisyo niya ang kaniyang sarili para mailigtas si Ate Ginny.


Hindi ko kayang titigan ang katawan niya ngayong nakahandusay sa may sahig habang naliligo sa sarili niyang dugo.


"Syaks, kasalanan ko 'to," pangsisisi ni Ate Ginny sa kaniyang sarili habang nakatanaw sa bangkay ni Ate Arianne.


Wala akong ibang magawa kundi ang yakapin siya para maramdaman niya namang may karamay siya. Hindi naman niya kasalanan kung bakit gano'n ang nangyari.


"She killed herself para hindi kita patayin, Ginny," pangungunsensiya ni Ethel. Bigla naman siyang naging usok at umalis nang walang paalam.


Mayamaya, nakarinig kami isang sirena. Tumungo ako sa may binta para silipin kung ano iyon. Pagtingin ko sa may bintana, may paparating na mga pulis kasama si Manang.


"Ate Ginny, kailangan na nating umalis dito," turan ko.


Hindi naman siya kumontra kaya ginamit ko kaagad ang ABaKaDa para makabalik sa may rest house. Kumusta na kaya sila ro'n?


Agatha's POV


Matapos naming mapagtagumpayan ang pagkuha sa ikalawang talulot at dumiretso naman kami kaagad papaakyat. Wala kaming ideya kung anong klase ng nilalang ang aming makakasagupa.


Naka-green naman ang paper gam kaya go lang kami sa paglalakad. Iyon nga lang, pagod na pagod na kami. Nang sumangguni naman kami rito, dalawang kilometro pa ang layo naman sa susunod na ruta.


"Gosh, lalawit ang buwa ko sa kalalakad," reklamo ni Nikka.


"Oo nga, pagdating natin do'n ay pagod na tayo. Paano pa natin sila lalabanan?" segunda ni Aaron.


"May point naman kayo, guys. Kaso, wala naman tayong choice," tugon ko.


"Nope, we have a choice," singit ni Mark.


"Ano naman iyon?" tanong ko.


"Gamitin natin ang kapangyarihan ng mga talulot para makarating tayo ro'n agad," mungkahi ni Mark.


"Paano?" ani Roxette.


"Got it. Hindi ko lang kaagad naisip iyon. Salamat, Mark!" sambit ko.


"Walang anuman," aniya.


"Ganito guys, magpalit na tayo ng anyo at gagamitin namin ni Rox ang kapangyarihan ng talulot," saad ko.


Wala naman silang reklamo, sumunod naman sila sa akin kaagad. Bilib din ako sa mga 'to, noong nasa school kami, mayroon at mayroong pasaway. Masasabi ko ngang nag-improve na ang bawat isa sa amin.


"Bam!" sambit naming lima at nagpalit na kami ng anyo. Ginamit naman namin agad ang talulot para sa pangalawang pagpapalit anyo.


"Inggit talaga ako sa inyo," singit ni Nikka.


"Hala, may dalawang talulot pa naman," litaniya ko.


"Hindi nga lang natin alam kung sino pa sa inyo ang mapipili o 'di kaya baka may ibang tao pa," dugtong ko.


"Nikka, alam ko namang sa costume ka talaga naiinggit," singit ni Aaron.


"Both kaya," saad nito at nagtawanan silang dalawa.


Ipinaalam ko na kung Roxette ang plano ko at umayon naman siya. Kailangan naming magtulungan dito para may enerhiya pa kaming gagamitin kung sakali mang mapasabak kami.


Nag-form kami ng triangle shape. Sa tatlong sulok nakatayo sina Mark, Aaron at Nikka. Sa loob no'n, nakatayo si Roxette at naka-spread ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid. Ako naman, ginamit ko ang aking pakpak para makalipad sa ere at ngayo'y nasa itaas ako ni Rox.


Gumawa si Rox ng soil flatform para mabuhat niya ang sarili maging ang tatlo. Ginamit ko naman ang hangin mapagaan ang pagbubuhat ni Rox. Ako na rin ang kumokontrol sa kung saang direksiyon ba kami tutungo.


Naging matagumpay naman kami dahil nagawa naming maglakbay sa may ere. Limang daang metro pa ang layo namin sa may kuta nang biglang magkulay pula ang paper gam. Kailangan namin maging alerto dahil may panganib na paparating.


"Guys, humanda kayo! May paparating na panganib!" turan ko.


Ilang saglit pa, limang bolang apoy ang sunod-sunod na dumako sa amin. Kailangan kong umiwas para hindi ako matamaan. 'Yon nga lang, nawala na kami ni Rox sa konsentrasyon kami bumagsak sila unti-unti paibaba.


Dali-dali naman akong sumugod paibaba para kontrolin ang hangin at hindi maging masama ang kanilang pagbagsak. Nagtagumpay naman ako kahit na dalawang dangkal na lang ang layo nila sa kalupaan nang mapigilan ko ang kanilang pagbulusok.


Nang makalapag naman sila sa lupa, may pabulusok na namang bolang apoy. Tumalon kaming lima palayo roon para hindi kami matamaan.


"Sino ka? Magpakita ka sa amin!" sigaw ko habang nagpapalinga-linga sa paligid.


Mapuno rito, mahirap makipaglaban. Gumagamit ng apoy ang susunod naming makakasagupa.


"Ahh!" sigaw ni Nikka habang nililingkis ng isang malaking ahas. Seven feet ang taas ng ahas. At dahil mas malapit si Mark sa kaniya, si Mark na ang kumilos. Sinugatan niya ang bandang buntok ng ahas gamit ang kaniyang espada. Tumigil itong bigla at pinakawalan si Nikka.


"Ako ang harapin mo!" hamon ni Mark. Ngumiti ang ahas at ito'y lumapit sa kaniya.


"Hindi mo gugustuhin kapag ako ang iyong nakalaban."


Nagulat kaming lahat dahil nagsasalita ito. Unti-unti siyang nagpalit ng anyo at naging isang tao. Mula ulo hanggang paa ay tao ang kaniyang wangis. Ang kaniyang balat lang ang naiba dahil balat pa rin ng ahas ang kaniyang kabuohan.


Ang kulay ng balat niya'y mapula na may halong itim. Lalaki siya at may suot siyang kuwintas na parang pang-buddha.


"Eww," bungad ni Nikka. Tinapik ko siya sa kaniyang braso para tumigil sa pandidiri.


Itinaas ng taong ahas ang kaniyang kanang kamay at nabuo roon ang limang maliliit na bolang apoy.


Alam kong hindi ito kayang tapatan ni Mark dahil wala naman siyang kapangyarihan. Kailangan namin siyang tulungan.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon