Chapter 58

16.1K 639 58
                                    

Arianne's POV


"Natutuwa ako sa iyo dahil sa labis na pagmamahal mo sa iyong kapatid..." aniya.


"At dahil diyan, pagbibigyan kita," dugtong pa niya. Binitiwan niya ang kapatid ko kaya naman nagtatakbo siya kaagad palapit sa akin.


"Ate..." pagtahoy niya habang nakayakap sa akin.


Takot na takot si Ja. Dama ko iyon dahil sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin.


"Time's up," singit ni Helga.


"Ethel, hawakan mo na muna ang kapatid niya. Huwag mong papakawalan," dugtong pa niya.


"Ate! Ate!" sigaw ni Ja. Magkahawak ang aming kamay, unti-unting dumudulas ang paghawak namin sa isa't isa dahil sa paglalayo ni Ethel sa amin.


"Anong ibig sabihin nito? Gagawin ko naman na ang lahat 'di ba?" usal ko.


"Bakit? Kapag sinabi ko bang patayin mo ang iyong kapatid ay magagawa mo?" aniya. Napatigagal ako sa kaniyang sinabi. Totoo naman, hindi ko kaya...


"O, kita mo na? Hindi 'di ba?" dugtong pa niya.


"Kahit ano! Huwag lang iyon!" anas ko.


"Sige, sumunod ka sa akin."


Tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad pasunod sa kaniya. Pagkadating namin doon sa may kusina, nakita ko si Xiara na nagpapainit ng mantika. Punong-puno talaga ang kawali. Hindi na ako magtataka kung saan nila gagamitin iyon.


May isa pang pinto sa may kusina at pumasok kami roon. Bumungad sa amin ang laundry area. May mga damit na nakatambak doon saka washing machine.


"Ano ang gagawin natin dito?" bungad ko.


"Maglalaba. Obvious naman 'di ba?" tugon niya.


"Huwag ka nang tumayo riyan. Lagyan mo na ng tubig ang loob ng washing machine!" aniya sabay tulak sa akin.


Sinunod ko na lang siya dahil iyon ang kagustuhan niya. Kinuha ko ang hose sa may ilalim saka ikinabit sa may gripo. Iyon na ang ginamit ko para mas mabilis ang paglalagay ng tubig.


"Lagyan mo na rin ng sabon," utos niya.


Inilinga-linga ko ang aking paningin sa paligid para hanapin ang sabon.


"Wala yata silang sabon," saad ko dahil wala akong nakita.


Ilang saglit pa, pumasok si Xiara at may hawak na sabon, 'yung powder.


"Akala mo siguro'y bibili ka pa sa kung saan ano? Haha!" giit ni Helga.


Hindi ko na lang siya pinansin. Kinuha ko ang sabon at saka kaagad na binuksan. Itinaktak ko iyon kaagad sa loob ng washing machine.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon