Chapter 85

17.9K 717 289
                                    

Nikka's POV


Habang tumatakbo ako, nakita kong nakasunod din sa akin ang talulot kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na humingi ng tulong dito.


"Mapapagaod ka lang at mauubusan ng lakas dahil sa patuloy mong pagtakbo, Nikka..." bungad ni Ethel nang huminto ako sa pagtakbo. Hindi niya alam na nakuha ko na ang aking alas para pabagsakin siya.


"Tama ka naman doon, Ethel. Ayaw ko sanang gawin 'to pero 'eto na lang ang naiisip kong paraan para talunin ka," pahayag ko. Hawak ko na ngayon ang talulot, kahit anong sandali man, maaari ko na itong gamitin.


Dahan-dahang bumaba sa kalupaan ang kalaban at tila ba nagulat sa tinuran ko.


"saan ka naman humuhugot ng pag-asa ngayon pa't nasa alanganing sitwasiyon ka na?" aniya.


"Hindi mo na kailangang alamin pa. Tandaan mo, hindi mamamayani ang kasamaan laban sa kabutihan," sambit ko.


"P'wes kung gayon, idaan na lang natin 'to sa dahas. Tingnan natin kung makapalag ka pa," turan nito.


Itinaas ni Ethel ang kaniyang sandata sa ere habang dahan-dahan niyang ipinapakita sa akin ang pagtanggal niya sa hawakan ng kaniyang payong na tila isang manipis na espada. Ang tila tela nito ay nagmistulang pananggalang.


"Nagulat ka ba?" sarkastiko niyang tanong. Akala niya siguro'y masisindak niya ako ng gano'n-gano'n lang.


"Oo naman, pero hayaan mong ako naman ang manggulat sa iyo," ani ko sabay gamit sa talulot upang ako'y makapagpalit ng anyo. May lumitaw na mga bula sa paligid at ito'y nagpaikot-ikot sa akin at itinaas ako sa ere bago ako tuluyan nitong lukubin.


"Magiging maganda ang laban natin dahil sa ginagawa mong iyan," komento nito habang nagpapalit ako ng anyo.


Walang bakas ng pangamba sa kaniyang mukha nang makababa na ako sa lupa. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isipan ngayon pero tiyak na may binabalak siya.


"Nice costume by the way... at mukhang lumakas ka nga," aniya nang muli kaming magkaharap.


"Salamat sa compliment," sarkastiko kong tugon.


Pagkatapos no'n, bigla siyang sumugod sa akin na 'di ko inaasahan. Agad kong binunot ang aking baril at pinuntirya siya.


"Wow," saad niya matapos sanggahin ang inilabas na tubig ng aking sandata. Ibinalik ni Ethel ang hawakan ng kaniyang payong sa may sisidlan nito at muling nabuo ang kaniyang payong.


"Para kang bata, hindi nakatutuwa ang sandata mo. Ano 'yan, water gun? Nagpapatawa ka ba?" giit niya na tila ba uminit bigla ang ulo.


"Oo, bakit? Ano na naman ba ang ikinapuputok ng butse mo?" sagot ko.


Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon