Chapter 54

18.1K 704 61
                                    

Morixette's POV


Pagkamulat ko ng aking mga mata, kaagad kong inilibot ang aking paningin para malaman kung nasaan ako.


Nandito ako sa isang silid na hindi ko mawari kung bodega ba o ano. Nkahiga ako sa isang malambot na kutson pero dama ko pa rin ang pananakit ng aking katawan. Hindi ako makabangon, tila napakabigat ng aking pakiramdam.


Sa isang sulok, mayroong tila bituin na bumaba sa langit para bantayan ako. Oo, may isang makinang na bagay akong nakikita at hindi ko mawari kung ano iyon. Pinilit kong tumayo ngunit kulang pa ako sa lakas kaya naman minabuti ko na lang muna na maupo.


Napakibit-balikat kaagad ako nang mapansin kong tila pinagmamasdan ako ng bagay na iyon na nagniningning.


"Anong uri ng bagay ka? Bakit parang pinagmamasdan mo ako?" sambit ko.


"Hindi mo pa oras, Morixette. Hindi pa tapos ang iyong misyon," anito.


Nagulat ako nang bigla itong sumagot. Lalo akong naguluhan dahil nagsasalita ang bagay na iyon.


Ilang saglit pa, mas lalong nagningning ang bagay na iyon. Sa sobrang pagliliwanag, ni hindi ko na ito matingnan kaya ipinikit ko ang aking mga mata at itinabing dito ang aking kanang braso.


Nang mapansin kong medyo nawawala-wala na ang liwanag, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Gayon na lamang ang aking pagkamangha nang masilayan ko ang sinuman sa isang sulok.


Isang magandang babae na may mahabang buhok na hanggang beywang at kulot ang bandang dulo ang nakatayo roon ngayon. Para siyang dyosa sa aking paningin. Ang kaniyang kasuotan ay isang napakagandang gown na kulay pilak na hitik sa palamuti na kulay pilak din.


Napakaganda niya, wala akong masabi. Daig pa niya ang Miss Universe sa pagiging dyosa.


"Sino ka? Ano ang pangalan mo?" iyon kaagad ang lumabas sa aking bibig sa sobrang pagkamangha sa kaniya. Kung may cellphone lang akong hawak ngayon, makikiselfie agad ako. O maski na notebook man lang, para makapagpa-autograph ako.


"Gosh, idol na po kita!" dugtong ko pa.


"Ang pangalan ko ay--" hindi na niya natapos pa ang kaniyang sasabihin nang bigla akong makaramdam ng malamig sa aking katawan.


Napabangon kaagad ako sa aking kinalulugdan nang may magbuhos sa akin ng napakalamig na tubig. Habol-hininga ako pagkabangon na tila ba may humabol sa akin. Pagtingin ko sa aking bandang kanan, nakatayo ang isang pulis na may hawak na pitsel.


"Bastos ka!" singhal ko.


Panaginip lang pala ang lahat. Pero bakit ganoon? Pakiramdam ko talaga, may nais sabihin sa aking 'yung magandang babae na iyon.


"Mabuti naman at nagising ka na. Kanina ka pa hinihintay ng boss namin..." anas nito.


Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon