Chapter 26

28.3K 1K 144
                                    

Morixette's POV


Nang makapagplano na kami, tumungo kami sa kusina para tumulong sa pag-aayos ng aming panaghalian.


Sakto namang naabutan namin si Grace na nakahiga sa may sofa na wari mo'y malalim ang iniisip.


Sumama ako kay Ate Ginny para lapitan siya. Dumiretso naman si Ate Arianne sa kusina para tumulong kay Manang.


"Grace, may ihahabilin lang ako sa iyo," bungad ni Ate Ginny kaya napatayo bigla si Grace at umayos ng upo. Naupo muna ako sa tabi ni Grace.


"Ay ano iyon?" litaniya nito. Inaayos niya ang buhaghag na buhok. Mukhang kaliligo ang niya dahil mamasa-masa pa iyon.


Dumukot si Ate Ginny ng pera sa kaniya bulsa saka iniabot kay Grace.


"Para saan ito?" nagugulumihanang tanong nito.


"Pocket money ninyo ni Hannah. Kayo na bahala kung saan n'yo iyan gagamitin." Nag-iinat-inat pa si Ate Ginny matapos niyang iabot ang pera.


"A, salamat!" tugon ni Grace.


"Babalik kaming tatlo nina Arianne at Morx sa lugar natin para isagawa ang aming misyon. Kayo na muna ang bahala rito," aniya.


Nakatingin lang sa kaniya si Grace at tango nang tango sa mga sinasabi ni Ate Ginny.


Dumukot ulit sa bulsa si Ate Ginny at iniabot muli iyon kay Grace. Wow, cellphone pero 'yung ordinary lang, 'yung may keypad.


"Naka-save na riyan ang number na hawak namin at numero nila Agatha. Maging alerto ka lang sa tuwing may tatawag kami o sila sa inyo," pahayag ni Ate Ginny.


"Noted!" tugon nito.


"Kung may napapansin kayong hindi kaaya-aya o kaya'y binulabog kayo ng tatlong maria, tumawag lang kayo sa amin, okay?" dugtong pa ni Ate Ginny.


"Copied!" anito sabay saludo na wari mo'y sundalo.


Matapos ang usaping iyon, dumiretso na kami sa kusina para sa tanghalian.


Hindi bumaba si Ethan sa silid niya. Marahil ay kinikimkim pa rin niya ang hindi pamamaalam ni Ate Rox. Dinalhan na lang siya ni Manang ng pagkain para hindi siya magutom.


---


Nag-aayos na ako ngayon dito sa aking silid ng mga dadalhin kong gamit nang mapansin kong nagliliwanag ang kuwadernong mula kay Kuya Dion. Kaagad ko naman itong kinuha at saka binuksan.


Magsisimula na ang panibagong laban. Ikaw ba ay handa na? O kulang pa sa pagprepara? Magmadali na sapagkat sila'y pakilos na.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon