Chapter 24

28.3K 1K 284
                                    

Mark's POV


Kagaya ni Aaron, napapanganga ako habang pinagmamasdan si Agatha sa kaniyang pagpapalit anyo. Na-curious tuloy ako kung ano kayang magiging itsura ko at anong sandata ang mapupunta sa akin.


Nang makapagpalit na rin ng anyo si Aaron, mas lalo akong na-excite. Agaran kong kinuha ang bolang kulay kahel sa aking bulsa na kasing laki lang ng sampung piso. Nang sasabihin ko na ang keyword, may biglang sumipa sa likod ko kaya napasubsob ako sa sahig.


Napasinghap ako habang nakayakap sa lupa. Ang lakas ng sipang iyon. Tumihaya ako para maiayos ang aking sarili.


Gayon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang akmang ibabaon na ng kalaban ang kaniyang kuko sa aking dibdib. Naalala kong hawak ko ang bola kaya sinabi ko kaagad ang keyword.


"Bam!" sambit ko. Naglabas kaagad ito ng ibayong liwanag kaya napatigil ang kalaban. Napatakip bigla ang kamay ng kaaway sa kaniyang mukha dahil sa kahel na liwanag na inilalabas ng bola. Unti-unti na akong umangat sa ere.


Sa aking paglutang, pinalibutan ako ng kahel na usok habang may bolang apoy sa paligid nito. Nararamdaman ko na ang pagpasok ng kakaibang enerhiya sa aking katawan.


Ang aking mga damit ay napalitan bigla ng isang itim na long sleeve na plain ang kulay at may disenyong naglalagablab na apoy sa bandang gitna. 'Yung damit ay tipong isinusuot kapag nagsiswimming. Pinatungan ang aking kasuotan ng net sa kabuoan nito bilang dagdag disenyo. Idinagdag pa ang kulay kahel na vest habang nakabukas ang zipper.


Ang aking pang-ibaba naman ay leggings na kulay itim at pinatungan ng short na kulay kahel na may disenyong maliliit na bolang apoy sa gilid nito. Ang sapin ko naman sa paa ay rubber shoes na kulay kahel din na may abstract na disenyo.


Ang buhok ko ay biglang tumiwarik at nagkaroon ito ng kulay kahel na highlights. Dinagdag pa ang contact lens na kulay kahel din. Mayamaya, lumitaw ang isang checkered na necktie na naka-hang lang sa aking leeg. May bandang dulo nito, makikita ang bolang hawak ko kanina.


Habang dahan-dahan akong bumababa sa lupa, pinalibutan ng apoy ang magkabila kong kamay at lumabas mula roon ang protective gear. Sa kanang kamay ko naman ay may isang espada na kulay kahel na hawakan ang biglang lumitaw, marahil iyon ang aking sandata.


Nang makalapag ako sa lupa, naramdaman ko ang pagkalakas ko. Noong bata ako, imbes na baril ang kahiligan, espada ang lagi kong pinapabili. Hanggang sa tumanda, na-tripan ko naman ang espadang kahoy. Ngayon, totoong espada na ang hawak ko. Hindi ako makapaniwala.


"Grrrr!" ungol ng kalaban ko kanina nang makita ako.


"Pasensiya na, mukhang ikaw ang mapagpaprktisan ko," turan ko sabay sugod sa kaniya.


Payukong sumugod ang kaaway kaya nang magkalapit kami, tumalon ako at ginawa siyang luksong baka.


Sinamantala ko na ang oras na iyon para itarak ang espada ko sa kaniya.


Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon