Chapter 37

20K 820 4
                                    

Agatha's POV


Pinakawalang muli ng aming kalaban ang kaniyang thorn soil. Sa ngayon, kailangan muna naming magpanggap. Hindi niya dapat malamang may kaunti akong nalaman patungkol sa kaniya.


Alam kong nagsasayang lang kami ni Rox ng enerhiya sa pagsalag sa mga atake ng kalaban. Ngunit heto lang ang paraan sa ngayon.


Sa pagbibilang ni Rox ng 480, iyon ang oras na kung saan ay kaya niyang manipulahin ang kaniyang kapangyarihan. Sa loob ng isang minuto ay mayroong anim na pung segundo kaya naman base sa aking kalkulasiyon, walong minuto ang itatagal nitong pagpapanggap at pagsasayang ng enerhiya.


Mukhang nakikipaglaro pa siya sa amin sa ngayon base na rin sa kung paano niya manipulahin ang thorn soil. Kayang-kaya niyang patumbahin kami kaagad ni Rox kung gugustuhin niya kaso hindi pa niya ginagawa. Mayroon kaya siyang ibang plano?


Gamit ang aking pana, nasasalag ko ang thorn soil ng kalaban ngunit kapag napaturit ko naman ito, bumabalik at bumabalik lang din. Si Rox naman, nahihiwa niya ang thorn soil ngunit bumabalik lang din ito sa dati nitong anyo. Hindi lang iyon, napansin ko ring kumakapit ang putik at wari mo'y tumitigas ito sa arnis ni Rox. Tila ba kailangan pa itong kasaksain nang maigi bago ito tuluyang mawala.


Nang lumipas ang walong minuto, tumigil sa pag-atake ang aming kalaban at naiwang nakalutang sa ere ang thorn soil niya. Nagliwanag na naman ang bagay sa kaniyang noo kaya oras na para kumilos.


"Rox, ngayon na!" sigaw ko. Tanging pagtango lamang ang kaniyang itinugon.


Napag-usapan na namin kanina ang gagawin naming hakbang laban sa pinuno. Susugod siya rito para makipaglaban nang malapitan habang ako'y inihahanda ang sarili na puntiryahin ang bagay na yaon sa kaniyang noo.


Mayroon lamang kaming 180 seconds, na kung susumahin, tatlong minuto para samantalahin ang kahinaan ng kalaban. Kinuha ko ang isang palaso sa aking likuran at pilit kong inaasinta ang kalaban. Dahil naglalaban sila ni Rox, nahirapan akong puntiryahin siya lalo pa't hindi siya nananatili sa isang lugar man lang.


Roxette's POV


Gumamit ako ng front hand stroke papalapit sa kalaban nang tatlong beses. Nang makalapit ako rito, pilit kong sinisipat ang noo nito para malaman kung mayroon ngang nagliliwanag sa noo nito ngunit wala akong nakita. Napag-usapan namin ito kanina ni Agatha bago kami sumugod. Bakit hindi ko nakikita ang nagliliwanag na iyon?


"Nice work," bungad nito saka ako hinataw ng kaniyang kanang kamay patungo sa aking mukha. Mabuti na lang ang naisangga ko ang aking sandata paharap kaya nadepensahan ko siya.


Medyo bumigat nang kaunti ang aking sandata dahil sa mga putik na nakakapit dito. Pero hindi ko dapat indahin iyon, ang mahalaga'y matalo namin ang kalaban sa ngayon.


"Para sa mga kaibigan kong nilapastangan mo," anas ko habang nakatingin kami pareho mata sa mata.


Lumayo ako nang kaunti sa kaniya patalikod para makapaghanda. Iniunat ko ang aking kanang kamay paharap sa kaniya na kung saan ay nakatutok ang aking sandata. Ang kaliwa kong kamay naman ay aking iniunat patagilid. Ang aking kaliwang paa ay aking itinaas ngunit naka-bend.


"Humanda ka!" singhal ko at saka iniikot ang aking katawan habang naka-point ang aking kanang paa sa lupa. Nagpaikot-ikot ako na para bang ipo-ipo papalapit sa kaniya.


"Hindi iyan uubra sa akin. Nagsasayang ka lang ng lakas!" giit nito saka itinatapat ang kaniyang kanang kamay sa aking kinatatayuan. Nagulat na lamang ako dahil unti-unting bumabagal ang aking pag-ikot nang dahil sa paglambot ng lupa sa kinatatayuan ko.


Naging putik na ang lupa kaya naunsyami ang aking pag-atake. Minanipula niyang bigla ang putik at ito'y nagsikapitan sa akin maging sa aking sandata. Punong-puno na ako ngayon ng putik mula ulo hanggang paa.


Mayamaya, bumubulusok ang palaso ni Agatha sa direksiyon ng aming kalaban ngunit sa isang iglap lang, nasalag ng kalaban ang palaso gamit lang ang kaniyang kamay.


"Sumuko na kayo kung ayaw ninyong masaktan pa. Kita n'yo nang wala kayong laban sa akin pero nagpupumilit pa rin kayo!" giit niya. Pareho lang kami ni Agatha na nakatayo sa aming kinatatayuan. Tama siya sa kaniyang itinuran.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon